
Sign up to save your podcasts
Or


Hindi lang local clients ang mga nagupitan at mga naging clients ng Bro Blendz, galing pa sa iba't-ibang panig ng mundo.Nag-umpisa mula lang sa tahanan nila Pareng Cris Justin, hanggang sa makapag umpisa ng sariling barber shop. Mula sa pagpa-praktis sa mga bata, tropa, at kapit-bahay... hanggang sa magupitan ang mga pangalang Kai Sotto, Ray Parks, Elvin Rodriguez, K-Showtime at marami pang iba.Mas kilalanin pa natin si Pareng Cris Justin at pakinggan ang Kwento ng Barbero.
Hindi lahat ng tagumpay, diretso ang daan.Sa episode na ito ng Built Different, Pare, kasama namin ang kababata at kaklase namin mula elementary hanggang high school, si Ryan Vigil. Kabababa lang niya ng barko nang magkwentuhan kami, kaya sariwa ang lahat ng kwento.Binalikan namin ang mga araw na magkaklase pa kami. Mga kalokohan, memories, at mga pangarap na hindi pa namin alam kung saan dadalhin. Pero habang tumatanda, nag iba ang laban.Napag usapan namin ang buhay niya matapos ang graduation. Ang mga hirap sa college. Ang pagtatrabaho sa fast food at call center habang hinahabol ang pangarap. Ang pagpasa sa board exam bilang Engineer. At ang desisyong sumakay ng barko para mabigyan ng mas magandang buhay ang sarili at pamilya.Isa itong kwento na nagpapaalala na hindi pare-pareho ang timeline ng bawat tao. Minsan kailangan mong magsimula sa trabahong hindi mo pinangarap para makarating sa trabahong ipinagdarasal mo.Kung estudyante ka, fresh graduate, naghahanap ng direksyon, o gusto mo lang makarinig ng totoong kwento ng sipag, tiyaga, at sakripisyo, para sa'yo ang episode na ito.๐๏ธ Built Different, PareEpisode 7: Kwento ng SeamanPakinggan ang buong episode at samahan kaming balikan ang kwento ng isang ordinaryong estudyante na unti unting binuo ang pangarap hanggang makarating sa gitna ng karagatan.#BuiltDifferentPare #BDPare #PodcastPH #FilipinoPodcast #SeamanLife
Sa episode na ito, makakasama natin si Cartz Udal, mas kilala ng marami bilang Malanding Tomboy.
Ipinanganak at lumaki sa Baclaran, ngayon ay may mahigit 2 million followers na siya sa iba't ibang social media platforms.
Mula sa paggawa ng content, nakapasok siya sa showbiz bilang cast ng Bubble Gang ng GMA at naging bahagi rin ng Netflix series na The Master Cutter kasama si Dingdong Dantes.
Pero bago ang mga followers, TV appearances, at mga tagumpay, marami muna siyang pinagdaanan.Paano nagsimula ang lahat? Ano ang mga hirap na kinaharap niya? At sino nga ba talaga si Cartz Udal sa likod ng karakter na nakilala ng milyon-milyong tao?
Panoorin ang buong kwento sa episode na ito.Built Different Pare Podcast.Episode 7: Malanding Tomboy
#BuiltDifferentPare #CartzUdal #MalandingTomboy #PodcastPH #Baclaran
Handa na ba kayo sa isa na namang kwentuhan na walang script?Sa unang Car Podcast ng Built Different, Pare!, napunta kami sa iba't ibang usapin na pinag-uusapan ng maraming Pilipino. Mula sa mga maiinit na balita at seryosong pangyayari, hanggang sa mga kwentong nagpapaalala na kailangan pa rin nating tumawa sa gitna ng lahat.Hindi ito tungkol sa panghuhusga o pagiging eksperto. Opinyon lang ng magkakaibigan na nag-uusap tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin.Episode 6: Talk Your Sh*t Pinas!๐ฅ Now Streaming on YouTube๐ง Available on SpotifyPanoorin ninyo at sabihin sa amin ang opinyon ninyo sa comments.#BuiltDifferentPare #PodcastPH #TalkYourShitPinas #UsapangPinoy #PinoyPodcast
Hindi lahat ng lider ay nabubuo sa posisyon. Minsan, bata pa lang, lider na talaga.Sa episode na ito, mas makikilala natin si SK Chairman Kate Lazaga Mangahas. Mula sa pagiging batang laging pinipiling mamuno, hanggang sa pagharap sa responsibilidad ng paglilingkod habang tinatapos ang pag-aaral.Napag-usapan namin ang leadership, disiplina, women empowerment, mga hamon bilang kabataang lider, at kung paano mababago ng bagong henerasyon ang tingin ng tao sa Sangguniang Kabataan.Kung gusto mong marinig ang kwento ng isang lider na built different simula pa lang, ito ang episode para sa'yo.๐๏ธ Built Different, Pare Podcast Episode 5: Batang Lider#BuiltDifferentPare #BatangLider #PodcastPH #SangguniangKabataan #Leadership
Minsan, yung pinaka-random na usapan pa ang may pinaka-tumatatak.
Walang script. Walang pilit. Isang kwentuhan lang na nauwi sa iba't ibang pananaw, tawanan, at mga realization na baka ikaw mismo makaka-relate.
Kung gusto mo ng usapang parang kasama mo lang tropa, pero may mapupulot sa dulo, para sa'yo ang episode na 'to.
Pakinggan ang Episode 4 ng Built Different, Pare.
#BuiltDifferentPare #PodcastPH #PinoyPodcast #UsapangBuhay #RealTalk
Bawat "batang pasaway" may kwento.Sa Episode 3 ng Built Different, Pare, kasama namin ang kauna unahan naming guest na minsang tinawag na problem child. Nakatatlong school. Dalawang beses na kick out. Nambuhos ng softdrinks sa kaklase. Binagsakan ng water dispenser ang teacher. Umabot pa sa puntong humarap siya sa korte habang bata pa.Pero hindi doon nagtapos ang kwento.Napag usapan namin kung paano naaapektuhan ng pagpapalaki, environment, at mga karanasan sa buhay ang direksyon ng isang tao. At kung bakit minsan, may mga bagay na hindi nakikita ng iba sa likod ng pagiging "pasaway."Hindi ito kwento para gawing tama ang maling ginawa.Isa itong kwento ng pag intindi, pagbabago, at pagbawi sa buhay.Kung magulang ka, anak, o may kakilala kang minsang tinawag na "batang pasaway," baka may mapulot kang aral sa episode na ito.๐๏ธ Built Different, PareEpisode 3: Batang PasawayPakinggan ang buong episode at alamin kung bakit hindi lahat ng kwento ay dapat hinuhusgahan sa umpisa pa lang.#BuiltDifferentPare #BDPare #PodcastPH #FilipinoPodcast #BatangPasaway
Happy Father's Day!
Episode 2 ng Built Different, Pare: para sa lahat ng tatay, magiging tatay, at sa lahat ng lumaki na may tatay na ginagawa ang lahat para sa pamilya.
Sa episode nato, napag-usapan namin ang mga sakripisyo, pressure, mga natutunan sa buhay, at yung mga simpleng moments na nagbibigay ng dahilan para bumangon at lumaban araw-araw.
Mula sa pagpo-provide, pagiging present sa pamilya, hanggang sa paghabol pa rin sa mga pangarap habang may responsibilidad na.
Hindi kami eksperto. Mga tatay lang na nagkukwentuhan at nagbabahagi ng mga kaalaman, pinagdaanan at natutunan sa buhay. Baka may mapulot kang aral, o baka ma-realize mong hindi ka nag-iisa sa mga pinagdadaanan mo bilang tatay.๐๏ธ
BUILT DIFFERENT, PARE | EPISODE 2
"Usapang Tatay" | Father's Day SpecialHappy Father's Day sa lahat ng tatay. Saludo kami sa inyo! ๐ป
#BuiltDifferentPare #UsapangTatay #FathersDayPH #PodcastPH #FatherhoodPH
Lahat ng bagay may simula.
Sa unang episode ng Built Different, Pare, pinag-usapan namin ang pagbuo. Pagbuo ng pangarap, opportunities, trabaho, negosyo, content, at kung paano magsimula kahit hindi pa malinaw ang lahat.
Napag-usapan namin ang pagiging tatay, responsibilidad, paghabol sa goals, pagpasok sa digital space, mga failures, lessons, at yung mga bagay na madalas hindi naipapakita sa social media.
Walang guru-guruhan.Walang scripted motivation.Dalawang tropa lang na sinusubukang bumuo ng mas magandang buhay para sa sarili at pamilya nila.
Kung nasa stage ka ngayon na nagsisimula pa lang, nagdadalawang-isip, o sinusubukang alamin kung tama ba ang direksyon mo, baka may mapulot ka dito.๐๏ธ
Built Different, PareEpisode 1: Building Something
Pakinggan ang buong episode at samahan kami habang binubuo namin ang isang bagay na mas malaki kaysa sa amin.
#BuiltDifferentPare #BDPare #PodcastPH #FilipinoPodcast #BuildingSomething #SelfImprovement #Entrepreneurship #Fatherhood #GrowthMindset #ContentCreator #DigitalJourney
From the publisher's feed