Share Bulatlat Podcasts
Share to email
Share to Facebook
Share to X
Sa harap ng kaliwa’t kanang pag-atake sa karapatan at kagalingan ng mga migranteng Pilipino, nariyan naman ang kwento ng pag-oorganisa, pagkakaisa, at pagdadamayan lalo sa panahon ng pangangailangan.
Sa podkumentaryong ito, kilalanin natin ang mga kwento ng mga migranteng Pilipino, na sa gitna ng sarili nilang mga kinakaharap na pagsubok, ay tinanggap ang hamon ng panahon.
In this podcast-documentary, let us hear the stories of migrant Filipinos who continue to soldier on despite the personal struggles that they have to go through.)
Isang premyadong makata, mamamahayag, at manggagawang pangkultura, inialay ni Richard Regadillo Gappi (1971-2022) ang kaniyang sining sa pagsisilbi sa bayan.
Naging masugid na kontributor ng bulatlat.com si Gappi, kilala rin sa palayaw na “Insad.” Mula sa pagiging editor ng Philippine Collegian, ang opisyal na publikasyong pang-estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, pinamunuan niya ang community journalism sa Angono, Rizal sa pagtatatag at pagsisilbi bilang patnugot ng Angono Rizal News Online at pagtulong sa pagtatatag ng Rizal chapter ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP). Naging tagapagtatag na pangulo at tagapayo siya ng Neo-Angono Artists Collective at Angono Tres-Siete (3/7) Poetry Society.
Isang tunay na Makata ng Bayan, inilarawan ng mga tula ni Gappi ang kalagayan ng masang api at pinagsasamantalahan. Inilantad din niya ang iba’t ibang katiwalian ng mga nasa gobyerno at ng mga kapitalista. Hindi na mabilang sa mga daliri ang kaniyang namulat at ginabayan. Naging inspirasyon siya ng maraming alagad ng sining sa kaniyang kahusayan at paglilingkod.
Narito ang ilan sa kaniyang mga tula na binigkas at binigyang-buhay ng mga itinuring siyang guro at kasama
As this year marks the 36th anniversary of the people power uprising and the 50th year since the declaration of martial law in the Philippines, let's talk about the lessons of the martial law and the people power uprising with martial law survivor, NUPL, and Makabayan Coalition chair, and senatorial aspirant Atty. Neri Colmenares.
In this episode of Bulatlatan, let's celebrate arts month with Det Neri, UP Diliman professor, author of Ang Ikaklit sa Aming Hardin and Ang Misteryo ng Patong-Patong na Damit ni Hulyan and Kevin Eric Raymundo, animation director and the artist behind Tarantadong Kalbo. We talked about their journey and how they use their arts for the people.
Check out Det Neri's works here: https://shopee.ph/product/365199535/8537664185
In this podcumentary, listen to the stories of women and young farmers of Lupang Ramos as they share their roles in their community's struggle for land and justice.
Dig deeper into the cyberattacks against Bulatlat, Altermidya & Karapatan with special guest, Qurium's Technical Director Tord Lundstrom.
Phar-mali?
In this podcumentary, we documented how Filipino women urban poor are rising to help one another as the country deals with the pandemic.
Alam ni Kerima Lorena Tariman ang bisa ng mga salita upang makapukaw ng damdamin, magpalawak ng kaisipan at makapagpakilos ng mamamayan tungo sa pagbabagong panlipunan.
Ang koleksyong ito ay mga tulang naisulat ng kanyang mga kapamilya, mga kaibigan at mga nakasama at mga tulang isinulat mismo ni Kerima Lorena Tariman.
Ang "Batingaw" at "29th of May" ay mga tulang binigkas ng kanyang mga magulang na si Merlita Lorena Tariman at Pablo Tariman sa isang parangal para kay Kerima nitong Agosto 28, 2021 sa Bantayog ng mga Bayani.
Ang tulang "Para kay K" ay sinulat ni Jose Sandoval at binigkas ni Edwin Quinsayas. Ang "Alay kay K" at "Kahit si Neruda ay Di Tumula Nang Gaya Mo" ay isinulat at binigkas ng mga nakasama ni Kerima sa CEGP-Karatula staffhouse sa mga taong 2000-2001 na sina Terence Krishna V. Lopez at Ilang-Ilang Quijano.
Sinulat at binigkas ni Raymund B. Villanueva ang "Binhi ng Tula."
Ang "Romanticizing terrorism?" ay direktang sagot ni Luchie Maranan sa pahayag ng isang hambog na opisyal ng gobyerno na kumukutya sa mga nagtatanghal kay Kerima bilang bayani ng Sambayanan.
Ang "Duyan ng Digma" ay awit na sinulat ni Rommel Rodriguez at inawit ni Jasmine Icasiano, pawang mga nakasama ni Kerima sa Unibersidad ng Pilipinas.
Binigkas naman ni Sarah Raymundo, malapit na kaibigan ng makata, ang "Pakikipagkamay" at ni Ekis Gimenes, kasama ni Kerima sa Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula) ang "Serye ng Sobresaliente."
Ang mga tula ni Kerima na pagpapasimple sa dialektong materyalismo na may pamagat na "Pagkilos" ay binigkas ni Terence Krisha V. Lopez at ang kanyang "Aralin sa Ekonomyang Pampolitika" naman ay binasa ni Ronalyn V. Olea.
Ang musical scoring ay nilapat ng mga kasapi ng Concerned Artists of the Philippines (CAP).
Missed last night's Twitter Spaces? We got you!
More than a year into the pandemic, without cash aid and assurance of being able to safely return to face-to-face classes, students are reeling the impacts of blended, distance learning.
The podcast currently has 47 episodes available.