Naiinip ka ba sa resulta mo? Pakinggan mo to
--------------------------------------------------------------
Script-------
Everything worthwhile takes time
Mahilig tayo sa generation natin ng instant
instant noodles
instant coffee
instant entertainment
instant relationship
At dahil diyan ang malaking akala ng karamihan
ang tagumpay at pag asenso ay nakukuha rin ng instant
Kaya kung naag aaral ka ngayon at ang tanging strategy mo para makasurvive sa pag aaral ay cheating at short cut, at nakagraduate ka? mahihirapan kang harapin ang katotohanan na ang pangarap nating buhay ay hindi nakukuha ng instant
Anong uri ng bunga ang gusto mong makuha?
Monggo? o mangga?
Ang monggo, pag tanim mo, kinabukasan may aanihin ka,
pero kung mangga ang tinatanim mo,
lilipas ang isang taon, feeling mo walang nangyayari dahil hindi pa lumalabas ang bunga
mararamdaman mo lang ang unang bunga pagkalipas ng limang taon
pero kapag nagsimula ng mamunga ang mangga, tuloy tuloy na ito na magbibigay sayo ng prutas.
Anong bunga ang gusto mo?
panandalian?
o pangmatagalan?
Be Patient to Build
But have an urgency to act
Kapag may tinanim ka
may aanihin ka
Pero hindi ibig sabihin na ngayon ka nagtanim
ngayon ka rin aani
Kaya ang payo ko sa mga nagsisimula sa negosyo
Ok lang yan kung hindi mo pa makita ang resulta agad.
ang mahalaga?
Araw araw kang gumagalaw
araw araw kang nag iimprove
araw araw mong nilalabanan ang complacency, laziness, self doubt,
Alam mo ba kung bakit madalas ay matagal tayong umaasenso?
Dahil ang pinakamahirap sa lahat, ay ang igrow ang ating sarili.
imaster natin ang ating sarili!
iimprove ang skills, habits, attitude, discipline!
yan ang pinakamatagal!
Kaya huwag kag mawawalan ng pag asa kung nasa gitna ka ng hirap at walang resulta.
Dire diretso ka lang
Darating ka rin sa inaasam mong buhay
Darating ka rin sa inaasam mong tagumpay
Dahil naniniwala ako sayo!
Nawa’y Lumago ang iyong negosyo
--------------------------------------------------------------
Passionate about business, life and success principles.
Si Gerard (coach G) ay dating nagbabarko at nagdecide na umuwi sa Pilipinas upang magsimula ng kanyang negosyo online.
Malawak ang kanyang pag unawa sa realidad ng buhay OFW at sa napagdadaanan ng small and medium business owners.
Hangad niya na bigyang lakas ng loob ang bawat Pilipino na magsimula ng kanilang negosyo kahit sa maliit na panimula.
Kaya sa channel na to nabigyan ng focus ang motivational part ng pagnenegosyo.
To connect sa ibang channel
https://linktr.ee/coachGMotivation