
Sign up to save your podcasts
Or


Nananawagan kami sa lahat ng makapangyarihan, lalong lalo na sa mga Podcasting Networks at sa mIRC, na i-sponsoran nyo na kami para makapagsampal na kami ng cheke sa mga taong ayaw namin at makabili na rin kami ng inidoro na katulad ng nasa Japan.
Paano nga ba kami napunta sa IT? At bakit kami pumasok sa university kung saan kami nakagraduate? Isa ba kayo sa mga nabudol sa chat? Saan ba kasi kayo nakikipagchat? Wag ka na kasi dun.
Ipinaliwanag ni Hiroshi ang pag-gamit ng Pomodoro Technique para hindi bumula ang Kare-Kare. Napagkwentuhan rin ang tungkol sa pagrerenta, ang naaaaapakatagal na byahe papuntang bahay at trabaho, at ang magandang pakinggan na music kapag nag-aaral o umiinit ang ulo dahil sa bugs sa kinocode mo.
Nag-sample si Hiroshi ng kanyang Tarot Card Reading skills habang napapalibutan ng mga gems at isang bloke ng Himalayan salt. Napag-usapan rin ang ugali ng mga kaibigan namin base sa kanilang Zodiac Sign. At ang Tagalog Movie Marathon ni Haruko dahil wala na naman syang magawa sa buhay nya.
Napag-usapan ang paghahanda sa paglipat ng condo ni Haruko at ang kanyang Prosperity Bowl. Nagplano na rin ng gagamitin na outro sila Haruko at Hiroshi. At ang pinakahuli, nagkaroon rin ng maikling movie review tungkol sa Dew The Movie. Hulaan nyo kung sino ang umiyak!
From the publisher's feed