
Sign up to save your podcasts
Or


Based on Podcast App listening data
"Ipinapaalala ko lang sa'yo. Kasi baka mamaya, makakita ka lang ng maganda at nakapalda, eh makalimutan mo na lahat ng pinag usapan natin. Baka kapag kumabog na ng malakas 'yang dibdib mo, mabingi ka na at hindi ka makinig sa'kin."
-The Jepoy Story
#DearMORKontrolado
"Basta love, kailangan maging maingat tayong dalawa ah. Alam mo naman yung lagay ng pamilya ko ngayon. Ako lang yung inaasahan. Ayoko nang dumagdag sa pasanin ng Tatay ko. Kaya sana maintindihan mo kung may mga limitasyon ako sa relasyon natin. Para satin din naman to eh."
– THE YARA STORY
#DearMORRoleModel
"Matagal ko nang sinabi sa’yo, hindi normal ‘tong anak ko. May diperensya siya. Wala kang aasahan sa kanya bilang asawa o ina ng anak niyo. Kasi maski siya, nangangailangan pa ng pag-aalaga at pag-alalay."
– THE WILSON STORY
#DearMORSinamantala
"Matuto ka ring humingi ng tawad! Nag-sorry ka na ba sa ginawa mo sa’kin? Ha?! Sa lahat lahat? Hindi ‘di ba? Kasi ‘yung mga sorry na sinabi mo, eh dahil lang nahuli ka, dahil totoo ‘yung naging hinala ko!"
– THE ANJO STORY
#DearMORKasosyo
"Oo, limitado lang ang pera pero mabilis ‘yun kitain. Ang oras at buhay ng mga mahal natin, limitado rin pero hindi na pwedeng ibalik pa kapag nawala." - THE ALDRIN STORY
"Gusto kitang tulungan. Pero tulungan mo ‘rin naman ang sarili mo. Hindi ‘yung parati ka na lang nagpapabitbit sa’kin. Nakakapagod. Kaya hindi mo magawang magpakatino eh, kasi alam mong may sasalo sayo. May tutulong sayo."
– THE BELLA STORY
#DearMORPasan
"Tumigil-tigil ka na sa pag-iyak sa walang kwentang dahilan. Naghanap siya ng iba? Eh ‘di ihatid mo siya do’n sa kabit niya. Magsama silang dalawa. Gano’n lang kasimple ‘yun."
– THE MARIFE STORY
#DearMORRaket
"Eh ‘di ba nagawa mo na ‘rin naman ‘yun dati? ‘Yung nagkunwaring masaya ka? ‘Na mahal mo pa ako? Pero ang totoo, hinihiling mo na sana mawala na ako sa buhay mo? Napaniwala mo nga ako eh, ibig sabihin, maliit na bagay na lang ‘to sayo."
– THE SHIRLEY STORY
#DearMORLoveAgain
"Hindi, Ivy! Hinding hindi ko makakalimutan lahat ng sakit na binigay mo sa akin nun. Ipapa-alala ko sa iyo na pareho tayong marumi dito! Kaya wag na wag mo kong pagsasalitaan na akala mo ang linis-linis mo." - The James Story - #DEARMORTanggapin
"Hindi lahat ng gusto mo Rosie makukuha mo. Kailangan mong magtiis, mag-tiyaga. At kailangan mong makinig samin kung gusto mong magkaroon ka ng magandang buhay. Dahil ngayon, hindi mo pa alam ang gusto mo. Kaya wala kang magagawa kundi ang sumunod nalang nang hindi nagrereklamo." - The Rosie Story - #DEARMORPasaway