
Sign up to save your podcasts
Or


Based on Podcast App listening data
“Oo, may pamilya ako, nanay at tatay, mga kapatid at mga kaibigan, pero iba pa rin ‘yung may isang tao akong makakasamang tumanda. Na kahit anong mangyari, alam kong kakampi ko siya buong buhay ko.” – THE MICHELLE STORY #DearMORFuture
“‘Di ba sabi mo, kahit anong mangyari, hindi mo ako iiwan? Ano ‘yun huh? Para sa’n ‘yung mga sinabi mo? Para lang may masabi kang maganda? Nakakakilig? Nakaka-in love?” – THE KATE STORY #DearMORKahihiyan
“Kasi ako, kapag nasaktan, kaya ko pa ring magtiwala. Hindi ako katulad mo na kapag nasaktan ng isa, hindi na magawang magtiwala sa iba. Ang hirap kasi sa inyong mga babae, nilalahat niyo kaming mga lalaki.” – THE VINA STORY #DearMORMissRight
“Hindi ako nakikipaglaro... ayoko lang ungkatin at gawing big deal ‘yung mga bagay bagay. Eh ano bang gusto n’yo? Habang buhay ako magtanim ako ng sama ng loob? Maging bitter na lang ako forever gano’n?” – THE ROSETTE STORY #DearMORMarriage
“Eh, ang sa amin lang kasi pare, parang hindi naman namin makita pareho ni Chelsea yung pangangailangan para magpakasal pa. Kuntento naman kami na magkasama kami sa iisang bubong kasama ng mga anak namin. Para na rin kaming pamilya, di ba?” – THE RODNEY STORY #DearMORTali
Maya, bakit ba ang damot mo? Ang selfish mo! Sarili mo lang iniisip mo samantalang ako, pang-future na natin iniisip ko! Ano, hindi mo manlang ba nakikita ‘yung future mo na kasama ako kaya ganyan ka ha?!” – THE BRYAN STORY #DearMORTanong
“Mukha ba talaga akong kahiya-hiya para sa’yo? Hindi naman ako taong grasa o pulubi. Naliligo naman ako at maayos akong manamit! At hindi ako drug addict o kriminal! Matinong tao ako Grace! Namumuhay at nagtatrabaho ako ng marangal!” – THE RONNEL STORY #DearMORPasosyal
“Bilang boyfriend, hindi ko na hihintayin na yung girlfriend ko pa ang magtanong kung nasaan ako o anong ginagawa ko. Ako mismo, nagtetext o tumatawag ako kahit hindi niya ako tanungin.” – THE IAN STORY #DearMORnasanay
“Anong huli na? Kaya pa nating ilaban ‘to Israel. Gagawin ko ang lahat para bumalik yung tiwala mo sa akin. Sanay naman ako na ako yung gumagawa ng paraan eh kaya sigurado akong kaya kong tiisin to.” – THE MONIQUE STORY #DearMORSelosan
“Ayan ang sinasabi ko eh. Pag tumatawag ang misis mo, sagutin mo, wag na wag mo siyang bibigyan ng dahilan para mag-alala. Unang iisipin niyan baka napano ka, pero sunod agad na iisipin niyan eh baka may kasama kang iba. Baka nakakalimutan mo, matik madaling mag-isip ng kung anu-ano ang babae.” – THE HELEN STORY #DearMORMistress