Ninais kumawala ni Alyssa mula sa kanyang kinalakihang bayan ng Imus, Cavite. Bilang batang babae na may matayog na pangarap, hinanap niya kung saan siya tunay na tinatawag ng kanyang puso. Hindi naging madali para sa kanya ang pagtahak dito. Gayunpaman, sa mga oras ng pag-angat at paglubog, hindi niya nalilimutang namnamin ang mga sandaling iyon sa pamamagitan ng pagsusulat. May biyaya siya ng matatas na kaisipan at mga panaginip, at pinasasalamatan niya iyon.