Eto na nga ang episode kung saan kikilalanin namin ni #Frenchy ang mga friends natin na ang gagaling makipagkaibigan, sa harapan mo, pero kapag nakatalikod ka na, Ay! jusko day! Sinasaksak ka na pala sa likuran mo. Usapang PLASTIK po tayo mga frenchy! Yung tamaan, magtakip ng garbage bag sa mukha for 3 minutes.
Paano ba natin malalaman kung fake ang friends mo? Ano ang gagawin natin kapag nalaman nating bina-backstab nila tayo? Manggigil ba ulit kami ni Frenchy? Sure na kaya ang pagtapos ng lockdown sa April 30? Di ko alam, haha.
Hello naman sa mga #Frenchy natin na sa sobrang ka-plastikan, eh, pati Tupperware, gusto na syang sponsoran. Ingat-ingat! Ang init pa naman dito sa Pinas, baka paglabas mo, malusaw ka. Char!