Sign up to save your podcasts
Or

Gabay sa Paghalal ng mga Lingkod-Bayan
MAGSAYSAY’S CREDO
Nananalig akong nagsisimula ang pamahalaan sa ibaba at kumikilos paitaas dahil ang pamahalaan ay narito para sa ikabubuti ng nakararami sa ating bayan.
Nananalig akong ang mas gipit sa buhay ay dapat mas higit sa batas. Nananalig akong may angking karapatan ang karaniwang mamamayan sa mas higit na laman ng tiyan, mas higit na pananamit, at mas higit na sisilungan.
Nananalig akong ang bayang ito ay nabiyayaan ng isang pusong masigla at magiting, at nagtataglay ng lihim na galing at nakamamanghang kakayahang salubungin ang mga hamong hinaharap.
Nananalig akong mamamayani sa lahat ng antas ng gawain ng pamahalaan ang dakila at walang sawang pagtalima sa tawag ng kabutihan. Nananalig akong malakas at tuwid ang pulso ng pamahalaan, at mayroong sigla ng misyonero ang mga pinuno nito.
Nananalig ako sa karangalan ng pamamaraang naaayon sa konstitusyon at sa batas, sa kahalagahan ng karapatang pantao. Nananalig akong matatag ang kabuoan ng pandaigdigang panlipunan, at walang pangangailangan o dahilan upang isantabi ang karangalan ng sangkatauhan. Nananalig akong salot ang komunismo, ganoon din ang karahasang idinudulot nito sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo.
Nananalig akong dapat maging halimbawa ang Pangulo ng pagkakaroon ng pusong mahabagin, pag-iisip na tapat, likas na kakayahang magpasiya, angkop na kawalan ng tiyaga at isang walang-hanggang pagmamahal sa karaniwang mamamayan. (www.officialgazette.gov.ph)
---------
Si Jesus na ating Tagapagligtas ay isang pinunong tagapaglingkod:
“Ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ibigay ang kanyang buhay sa ikatutubos ng marami.”
(Mk. 10:45)
PANALANGIN
Panginoong Hesus, batid Mo ang kalooban ng bawat tao, ang mga problema ng aming bansa at ang mga sanhi nito, at alam Mo ang pananabik ng aming mga puso. Panginoon, sa darating na halalan tulungan Mo kaming alamin at suriin ang track record at kwalipikasyon ng mga kandidato. Bigyan kami ng liwanag na maihalal ang mga tamang lingkod-bayan na tutugon sa mga problemang pambansa, at nawa'y mag-anyaya sila ng pangkalahatang pakikilahok sa proseso. Panginoon, sa harap ng mga nangyayaring anomalya sa halalan, tulad ng pagbili ng boto at paggamit ng pondo ng pamahalaan para mangampanya, bigyan kami ng lakas ng loob na magsalita ng katotohanan at kumilos nang naaayon bilang mga matuwid na mamamayan at tapat na mga Kristiyano; upang maipakita namin sa salita at gawa, ang pananampalataya ng 500 taon na ipinagkaloob Mo sa aming bansa. Amen.
#PHVote #Halalan2022 #VotersEmpowerment
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings