Sabi nila, may dalawang bagay na hindi mo dapat pag-usapan sa isang saluhan: politics at religion. At dahil mapang-ahas ako, pag-uusapan natin yan.
Dito sa Japan, sa katapusan ay magkakaroon na ng bagong Punong Ministro o Prime Minister ang Japan. Hindi na tatakbo muli si Prime Minister Suga sa re-election. Maaaring magkaroon ng bagong babaeng Prime Minister ang Japan sa unang pagkakataon. Tatlo sa mga kandidato ay mga babae ang malaki ang tsansya na isa sa kanila ang maaring manalo. Personally, wala akong alam sa kanila at sa partidong mga tinataguyod nila kaya umaasa na lang ako na magiging maayos ang pamamalakad ng bagong Punong Ministro kung siya’y maluklok na.
Sa Pinas, sa sunod na taon na ang national election, diba? Sa kadahilanang yan, ako nga ay nagpunta sa Philippine Embassy para magpatala ng aking pangalan at magpayanag ng pagnanais ko na bumoto bilang isang OFW na gustong lumahok sa Overseas voting. Tinatayang 10% o mga humigit kumulang 10 milyon na mga Pinoy ang nasa labas ng bansa para magtrabaho o kaya naman ay may hawak ng dual citizenship. Malaking porsyento ito ng boto at maaaring makaapekto pa sa posibleng resulta ng botohan. Kaso hindi rin kalakihan ang voting turnout sa overseas kaya naman himihimok ko ang aking mga kapwa OFW na lumahok at magparehistro sa susunod na halalan. Kung may pakialam pa kayo sa kinabukasan ng bansa natin, magparehistro na. Dito sa Gardener of Suma Podcast, wala akong iniendorso na mga kandidato o mga partido. Hindi ko rin sasabihin kung sino ang aking iboboto. Pero ang aking mapapayo sa aking kapwa botante ay magsaliksik ng tungkol sa kanilang boboto, maayos ba ang potensyal niya para magpalakad ng maayos at tama, may integridad ba ito at malasakit sa kapwa, paano ba niya gagamitin ang kapangyarihan niya para maglingkod at hindi paglingkuran o maghari-harian o mag-reyna-reynahan. Wag basihan ang itsura o talento nila sa iba pang larangan na walang kinalaman sa politika. Wag papadala sa ganda ng pagpresenta ng sarili nila sa kampanya. At panghuli, pumili ng kandidato na hindi niyo pagsisisihan sa huli kung bakit siya ba ang pinili ninyo.