Ano ba ang mga salitang alam ko na bago ako nag-aral nang Nihongo? Sa episode na ito, pag-uusapin natin ang mga salitang Nihongo at Tagalog. Sige nga, subukan natin. Kapag maganda ang nagawa nating episode ngayon, baka ituloy ko ito. Kaya ibig sabihin, may script tayo sa episode na ito. Yehey! Hahaha! May naisulat akong limang halimbawa kaya pwede niyong sabayan na basahin yung script ko na ilalagay ko sa description box. O sige! Simulan na natin. Taralets! Una sa lahat, yung salitang “ano” (あのう)? Ano? Ano yun? Kapag hindi mo alam ang sasabihin mo, sabihin mo lang “ano”, mapa-Tagalog man yan o Nihongo, maiintindihan nila yan. Hehehe! Pangalawa, yung salitang “siomai” (しゅうまい). Sa Nihongo, tawag nila “shumai” pero sa Tagalog naman “siomai”. Mahilig tayo sa spicy siomai at siomai rice kaya sariling sikap lang para makakain ka ng ganito. Bili ka lang sa supermarket at ayos na ang buto-buto. Hehe! Pangatlo… ano ba? Di ko na babangitin yung salita pero yung Tagalog ng salitang “cow” sa Ingles, madaling matandaan sa Nihongo. Hahaha! Sa Nihongo, ang ibig sabihin nito ay tanga. Ang salitang ito sa Tagalog bukod sa “cow” or “ushi” (牛)naman ay nangangahulugang “tabun” (多分)。 Pang-apat, yung salitang “mura” (村). Sa Nihongo, ibig sabihin nito ay village or barrio. Sa Tagalog naman, ang “mura” ay nangangahulugang “yasui” o kaya naman “waruguchi”. Kaya yung pangalan na Nakamura-san, sa Tagalog, ang ibig sabihin niya ay isang taong nag-mura, “waruguchi wo iuteshimau kuse ga aru toka” (悪口を言ってしまう癖があること)tapos pwede rin mangahulugang isang taong nakabili sa mas mababang presyo o sa Nihongo, “otoku ga aru mono wo kau dekiru koto desu”. Panglima, ano ba? Medyo iba ito sa apat na nabanggit ko pero sige ito yung naisip ko e. Hehe! Naisip ko kasi yung pangalan na pwede sa Pinoy at Hapon. Yun ay ang pangalang Mayumi (真由美)。 Sa Tagalog, ang ibig sabihin kasi ng mayumi ay malinis, dalisay, at mahinhin. Sa Japanese, ano ba ang ibig sabihin ng “真由美”? Mayumitte, Nihongo de dou iu imi desu ka? (真由美って、日本語でどういう意味)Ano ba yung ibig sabihin ng 真由美 sa Japanese? Bale iyon ang limang halimbawa ko ng Japanese words na madaling matandaan para sa isang Pinoy. Hehe! Kumusta naman ang episode natin ngayong gabi? 如何でしたでしょうか? Comment naman kayo. Hanggang dito na lang po at kita-kits sa susunod na episode. Muli, ako nga pala si Allen at pansalamantalang nagpapaalam. Ingat po kayo palagi at kita-kits! Bye bye!