Gen Zombie Podcast

Gen Zombie Podcast

By Gen ZombieSociety & Culture
Download on the App Store

Gen Zombie Podcast episodes

  • EP7: The Elementary Days That Made Us

    Ang elementarya ay puno ng mga karanasang nakaka-cringe isipin sa kasalukuyan, ngunit hindi maitatangging naging mahahalagang parte ng ating buhay.

    Sa episode na ito ay magbabalik-tanaw sina Rj, Mama K, at Matt sa kanilang elementary days. Mula sa puppy love at jeje days, hanggang sa iba’t ibang mga karanasang akala nila ay ikina-cool nila noon. Kaaya-aya man o hindi, ang mga bagay na ito ay hindi lamang parte ng nakaraan, dahil maaari  rin silang gamitin sa kasalukuyan.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast!

    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast #GenZombie #HindiNaKamiBata

    53 min
  • EP6: We're All Lost, Baby Gurl (Part 2)

    [CONT.]

    Nasaang yugto ka man ng buhay, may pagkakataon talaga na mararamdaman mong tila nawawala ka.

    Sa episode na ito ay magkakasamang susubukan nina Rj, Mama K, at Matt na alamin ang lugar nila sa kasalukuyang mundo. Batid nila na pare-pareho silang lost, at alam nilang ikaw rin, kaya naman inaanyayahan ka nilang maligaw at maglakbay kasama nila.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast!

    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast #GenZombie #HindiNaKamiBata

    34 min
  • EP6: We're All Lost, Baby Gurl (Part 1)

    32 min
  • EP5: Ang Walang Kwentang Chikahan

    Minsan, masasabi nating masaya ang naging usapan kasama ang tropa kung hahayaan lang nating dumaloy ang tsismisan.

    Sa episode na ito ay magchichikahan lang tungkol sa kung anu-anong bagay sina Rj, Mama K, at Matt. Iyong tipo ng bardagulan na maririnig mo sa mga kaklase mo habang wala pa ang guro sa silid-aralan. Pwede ring sa mga estudyante sa kabilang table ng kinakainan mong restaurant, o kaya sa grupo ng kabataan na nakasabay mo mag-commute sa jeep at feeling nila sila lang ang laman. Maaaring nakakairita noon, pero siguradong miss mo.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast!

    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast​ #GenZombie​ #HindiNaKamiBata

    28 min
  • EP4: An Open Podcast to Influencers

    Mayroong lalim sa pagkakaroon ng kakayahang makaimpluwensya.

    Sa episode na ito ay pag-uusapan nina Rj, Mama K, at Matt ang mga kilalang social media personalities sa kasalukuyang panahon. Aalamin din nila at susubukang bigyang linaw ang kaibahan ng pagiging isang ‘Content creator’ at ng isang ‘Influencer’. Sa huling bahagi nito ay mayroon silang panawagan hindi lamang para sa mga may kakayahang makaimpluwensya, kundi maging sa mga naiimpluwensyahan nila.

    43 min
  • EP3: Online Class RealiZtions

    Mayroong paglago mula sa pagkatuto.

    Sa episode na ito ay pag-uusapan nina Rj, Mama K, at Matt ang mga karanasan nila sa unang online semester na nagdaan. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kani-kanilang mga paghihirap, mga tagumpay, at mga natutuhan ay susubukan nilang makabuo ng mga paraan upang mas maging handa para sa susunod na semestre.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast​ #GenZombie​ #HindiNaKamiBata

    56 min
  • EP2: Zoomer Feels
    Ang point of view ng Gen Z sa remote learning.  Sa episode na ito ay pag-uusapan nina Rj, Mama K, at Matt ang kanilang mga karanasan sa kasalukuyang sitwasyon ng edukasyon sa Pilipinas. Palalawigin nila ito sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga ideya tungkol sa kung saan ba nag-uugat ang problema at kung ano ba sa tingin nila ang angkop na solusyon dito. 
    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast
    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast​ #GenZombie​ #HindiNaKamiBata
    46 min
  • EP 1: Ang Z-mula
    Ito ang simula ng Gen Zombie Podcast.   Sa episode na ito ay pag-uusapan nina Rj, Mama K, at Matt kung paano nagsimula ang podcast na ito. Samahan natin silang pag-usapan kung ano ba ang mga naging rason at inspirasyon nila upang simulan ito, ang mga layunin at nais nilang pag-usapan sa mga susunod pang episode, at ang pinagmulan ng pamagat ng podcast na "Gen Zombie".  
    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast
    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast​ #GenZombie​ #HindiNaKamiBata
    22 min
  • GEN ZOMBIE - Official Podcast Trailer

    Rants na isa ring podcast.

    Ang sabi nila, huwag daw sasabat ang mga bata sa usapan ng mga matatanda. Batid nina Arjay, Kirsten, at Matt na masasabihan silang bastos at walang respeto kung sasagot pa sila; kaya naman bumuo na lamang sila ng sariling diskurso na bukas *maging* sa mga nakatatanda. Isang talakayang hindi pormal, pwede ring hindi normal, ngunit maaaring kapulutan ng aral.  

    Use these hashtags: #GenZombie​ #GenZombiePodcast

    1 min

About Gen Zombie Podcast

From the publisher's feed

Ang sabi nila, huwag daw sasabat ang mga bata sa usapan ng mga matatanda. Batid nina RJ, Mama K, at Matt na masasabihan silang bastos at walang respeto kung sasagot pa sila; kaya naman bumuo na lamang sila ng sariling diskurso na bukas *maging* sa mga nakatatanda. Isang talakayang hindi pormal, pwede ring hindi normal, ngunit maaaring kapulutan ng aral.