Marami akong nababasa na gusto na nilang mag move on pero nahihirapan silang gawin ito. Oo mahirap talaga yan kung hindi mo uumpisahan. Alam mo ba ang pag-move on ay isang desisyon? Hindi ka makaka-alis sa sitwasyon mo kung hindi ka magdedesisyon!
Ang pag-move on ay hindi ibig sabihin na kakalimutan mo na ang nangyari. Ang pag-move on ay pagsasabi sa iyong sarili na tama na, sobra na, umusad na!
Hindi mo puwedeng ibigay ang puso mo sa iba kung hanggang ngayon ay nakakabit ka pa rin sa relasyong natapos na. Unfair naman ito sa magiging partner mo kung lagi mo pa hinahanap-hanap ang katangian ng ex mo sa bagong mong partner. Ang alaala ay hindi nawawala dahil ikaw mismo ang ayaw kumawala rito.
Sa ginagawa mong iyan ay pagpapahirap lamang sa sarili mo. Love yourself sabi nga, hindi ito pagiging selfish kundi ito ay pagmamahal lamang sa iyong dignidad bilang tao. Ang dahilan ng pagpasok sa isang relasyon ay upang maging masaya hindi maging habangbuhay na nagdurusa.
Huwag pabago-bago ang isip! Kapag naghilom na ang sugat ay huwag mo na itong kiskisin pa ulit. Kapag nag desisyon kana na magmove on, move on na! Huwag nang pabalik-balik pa. Huwag mo naman sanayin ang sarili mo sa ganung sitwasyon, dahil ang tunay na pagmamahal ay pang-matagalan, pang-habangbuhay hindi yung pang madalian lamang. Sige ka ikaw rin, baka wala ka na rin makuhang totoong magmamahal sayo kung lagi ka na lang sa ganyang sitwasyon. May naghihintay sayo at mayroon si God na nakalaan para talaga sayo. Dasal lang ang kailangan.
Narito ang mga paraan kung paano mapabilis ang paghilom ng puso mong sugatan. Panoorin niyo po itong ginawa kong video.
PLEASE SHARE IF YOU LIKE IT!
LISTEN TO HUGOT RADIO:
http://bit.ly/HugotRadioApp (For Android)
http://bit.ly/hugotmusic (For iOS)
Like us on Facebook: facebook.com/hugotradioph
Subscribe now: http://bit.ly/HugotSubscribe