
Sign up to save your podcasts
Or


Malinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas na dapat panatilihin ng estado ang katapatan at integridad sa paglilingkod sa bayan at magkaroon dapat ng mga epektibong pamantayan laban sa pangungurakot at pandarambong. May mga batas na rin na nagpaparusa sa mga mahuhuling mandarambong, tulad ng Republic Act (RA) 7080 na paparusahan ang magnanakaw ng P75 milyon at RA 3019 na mas kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Pero sa ngayon, marami pa rin ang nakaupo sa puwesto na nagnanakaw sa kaban ng bayan. May kultura ba ng impunidad sa mga mandarambong na ito at nakalulusot sila sa mga batas na ito? Aanhin natin ang pagpasa ng maraming batas kung kukurakutin lang nang basta ang ating pera at tayo ang siyang magdurusa? Think about it.
By 105.9 True FMMalinaw na nakasaad sa ating Saligang Batas na dapat panatilihin ng estado ang katapatan at integridad sa paglilingkod sa bayan at magkaroon dapat ng mga epektibong pamantayan laban sa pangungurakot at pandarambong. May mga batas na rin na nagpaparusa sa mga mahuhuling mandarambong, tulad ng Republic Act (RA) 7080 na paparusahan ang magnanakaw ng P75 milyon at RA 3019 na mas kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Pero sa ngayon, marami pa rin ang nakaupo sa puwesto na nagnanakaw sa kaban ng bayan. May kultura ba ng impunidad sa mga mandarambong na ito at nakalulusot sila sa mga batas na ito? Aanhin natin ang pagpasa ng maraming batas kung kukurakutin lang nang basta ang ating pera at tayo ang siyang magdurusa? Think about it.

21 Listeners