Sa ating ikalawang taon, patuloy na maririnig ang tinig na hindi magpapapigil. Walang maiiwan, ang tinig natin ay iisa.
Kaya naman ang ISANTINIG ay handang ilahad ang lahat ng aming makakaya upang makapagbigay ng kasiyahan, inspirasyon, at tulong para sa bawat sophian. Ang mga pusong determinado at puno ng sinseridad ay magsasama-sama upang magsanib-pwersa tungo sa mas maliwanag na bukas. Mapalibutan man ng dilim ay hindi tayo mangangamba, dahil kasama niyo kami at kasama namin kayo. Sa dilim ay hindi magpapatinag, dahil gamit ang karanasan, kakayahan, at puso, TAYO AY LILIKHA NG LIWANAG.
Sabay-sabay nating haharapin ang pait na dulot ng dilim sa atin. Dahil sa partidong may talino, puso, at galing─ tayo ang liwanag, Isantinig.