Mga Mars, handa ba talaga tayo kapag may emergency?
After all the floods, extreme weather, earthquakes, and other unexpected situations we've experienced, napaisip ang mga Mars sa isang very important question: prepared ba talaga tayo for these emergencies?
From checking your first aid kit and making sure hindi expired ang laman, to having a whistle, flashlight, food, water, medicine, important documents, and a proper go bag, napag-usapan ang mga basic things na madaling makalimutan kapag matagal nang walang emergency.
Pero hindi lang naman tungkol sa mga gamit ang preparedness.
Kailangan ding alam ng buong pamilya kung saan pupunta, saan magkikita, paano magco-communicate, at ano ang gagawin kapag biglang unexpectedly nagkahiwalay kayo, ‘di ba? Lalo na kung may mga bata sa bahay, importante ring alam nila ang mga basic information tulad ng names, phone numbers, at address ng family.
Napag-usapan din ang importance ng drills at bakit kailangan itong paulit-ulit. Kasi kapag emergency na, hindi na dapat doon pa lang tayo nag-iisip kung ano ang gagawin. Practice makes it easier to respond.
But underneath all the kwentuhan, one thing is clear: hindi naman natin gustong gamitin ang mga pinaghahandaan natin.
Pero kung mangyari man, at least alam nating may plano tayo.
So, Mars, now’s the opportunity to ask yourself… are you really prepared?
Follow Kami ang Inyong Mga…
- Youtube
- Facebook
- Tiktok
- Instagram
© 2026 A Team Dklutr Production