Ay isang mahiwagang kwento ng pananampalataya, tapang, at kadiliman—isang kwento na magdadala sa iyo sa mundo ng mga albularyo, anting-anting, at nilalang ng gabi.
Sa Masbate, lumaki si Josh na may pagmamalaki sa kanyang Lolo Henry—isang matulunging manggagamot, ngunit isang lasinggero rin na hindi niya lubos maintindihan, hanggang sa matuklasan niyang may mas malalim pang lihim ang kanyang lolo. Sa bawat tunog ng kampana ng gabi, magsisimula ang laban nila—isang pagtutugis sa mga aswang at nilalang na nagpapalaganap ng takot sa kanilang bayan.