KYUTEX KRONIKELS

KYUTEX KRONIKELS

By Kyutex KronikelsHistory
Download on the App Store

KYUTEX KRONIKELS episodes

  • Season 4 Trailer: Narra at Yaan, pina-outsource na?!?
    Magtuloy-tuloy kaya ang pagsosolo career ni Rustica? Abangan sa pinakaaabangang bagong season ng Kyutex Kronikels pinamagatang: Kyutex Kronikels: Season 4, the new season of all seasons.
    Maraming salamat din sa special participation ng aming fan na plantsadora, si Ironia Ironia Ikabupini Manikura (Manikurada)!
    Kitakits soon, Kyutikels!
    2 min
  • Season 3 Episode 13: Alamat ng mga Thingie
    Sa aming season ender, sasampolan namin kayo ng aming mga literary prowess. Nagulat talaga kami na matino ang kinalabasan nito and malamang matutuwa at matatawa rin kayo so press play and subscribe na mga kyutikels !
    38 min
  • Season 3 Ep 12: Snowderella Adarna

    Eto na ang very definition ng plot twist, kyutikels! Hindi malaman nina Rustica at Yaan kung ito ba'y kwento ni Cinderella, Snow White, o Ibong Adarna. Ang dapat managot, si Lola Basyang! Step into the Basyangverse at alamin natin kung ano ang hidden agenda ng ating mga fairy tales.


    35 min
  • Season 3 Ep 11: Ang sumpa ng abluhbluhblouaah
    Masusukat ang dedikasyon ni Rustica sa pagiging podcaster dahil bagama’t duguan siya, nag-push thru pa rin ang lola n’yo para maikwento ang alamat for the week: Bakit di bumabalik ang patay? Pero ang mas malalim na tanong: sino si Eric?
    37 min
  • Season 3 Ep 10: Pag puno na ang Pagong
    Ano ang mangyayari kung inabuso mo ang kabaitan ng isang pagong? Isang pelikula ni Carlo Caparas, apparently! Ang dark side ng children’s tale na ginawan ng komiks version ng Gat. Jose Rizal himself ang tampok na storya today, pero maliligaw na naman ang mga Kyutikels sa gen z, Gomburza, at Handog ng Pilipino sa Mundo, among other things. Get lost with us, press play, now na!
    33 min
  • Season 3 Ep 9: 7 Shungamurai
    Sa sobrang shunga ng characters sa kwentong ito, mapapamura ka talaga, kyutikel!! As always, maliligaw na naman ang landas ng kwentuhan namin but to paraphrase Cheryl Crow: “Everyday is a windang road.” Windangers talaga! Please subscribe and follow us on Spotify, Anchor and Instagram.
    33 min
  • Season 3 Episode 8: 'Pag Piniga ang Bato

    Nagkagulo na naman po ang mga kyutikera. Paano ba naman, kailangan yata tumira ka ng bato para maarok ang lesson sa kwento ni Rustica! Synopsis: Isang bata, nilamon ng bato pagkatapos kainin ng lola niya ang isang malanding ibon. Pero may aral din naman ang kuwentong bayan na ito, just stick with us at dadalhin namin kayo doon. Kahit pa maraming pasakalye, satisfying din naman ang katapusan. Happy listening!


    Disclaimer: Kyutex Kronikels does not condone drug abuse, para lang kaming lango minsan hehehe.



    25 min
  • Season 3 Episode 7: Kiskis, sabay foam
    Sayote, may pwet?!?! If you want your alamat with a side of cooking show, this is the episode for you! Sa di maipaliwanag na dahilan, pinili ni Yaan na gulantangin tayo ng kanyang alamat na pang-episode ng Dexter. Pero don’t worry… or worry for our mental health siguro, dahil macha-channel din namin si Chef Boy Logro at Dr. Margie Holmes. White Rabbit, horror comics of the 80s, the National Book Development Board (ito pala yung gov’t agency na hindi maalala ni Narra), gahasaan sa fairy tales, dark nursery rhymes, at langit-lupa-impyerno… maraming narating itong episode na ito so buckle up, Kyutikels!!!
    37 min
  • Season 3 Episode 6: Sige lang, sige lang, itaas ang Kulay!
    Ano’ng mangyayari kung nag-away-away ang mga kulay? May point ba ang away nila? Sino ang most powerful color?
    Sa kwentong sinulat ni dating Sen. Juan Flavier, malalaman natin ang mangyayari pag nagpaka-passive agressive ang mga kulay at nagpaparinigan na lang kung sino ang pinakamagaling.
    Detours include Gollum, historical chuchus, subdivision developers and for better or worse— kung sino ang mahilig sa putok! Don’t forget to follow us on Instagram @kyutexkronikels and visit our website kutexkronikels.wordpress.com.
    42 min
  • Season 3 Ep 5: Anniversary and Yearender Special
    Sasariwain nina Rustica, Yaan at Narra ang paborito nilang mga episode sa unang anibersaryo ng Kyutex Kronikels. Simple, right? Wrong! Syempre maliligaw muna ang usapan sa Shaider, Meteor Garden, sibuyas, at love bug. May preview din sa future plans ng podcast. Exciting! Happy new year, kyutikels!
    31 min

About KYUTEX KRONIKELS

From the publisher's feed

Hello Kyutikels! We are Rustica, Narra, and Yaan.