LamangAngMayAlam.com shares how to protect yourself from QR Code fraud. Panatang Makabayan. Original vs Current Version.
Iniibig ko ang Pilipinas.
Ito ang aking lupang sinilangan.
Ito ang tahanan ng aking lahi.
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan, upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang.
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang.
Susundin ko ang tuntunin ng aking paaralan.
Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas.
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan.
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino,
sa isip, sa salita at sa gawa.
Panatang Makabayan (Current Version)
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan
iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
Learn amazing things at https://refind.alam.ph