Let's JTalk

Let's JTalk

Download on the App Store

Let's JTalk episodes

  • Grabe, Napakabuti Mo! ( Isang Tula na may malayang Taludturan )
    Itobay aking nilikha para sa taong 2022 papuntang 2023 na grabe talaga ang Diyos sa buhay natin/ko. GRABE! NAPAKABUTI MO!
    "Malayang Tula na'may Malayang Taludturan"
    nilikha ni Jhay Manalo
    Grabe napakabuti mo!
    Sa bawat taon na dumaraan
    Napakarami mong paraan.
    Ikaw yung naging dahilan
    Kung bakit ko'to nasimulan
    Grabe napakabuti mo!
    Sa bawat pagsubok na dumaraan
    Andami ko nalang dahilan
    Ayy pagod nako, suko nako
    Patuloy naba 'kong maglalaho?
    Andaming naging tanong
    sa sarili
    bakit mo binigay 'to?
    deserve ko ba'to?
    kaya ko ba?
    bakit ito?
    Hindi na maunawaan
    Ang kanyang dahilan
    Kung bakit ito, ang aking pinagdaraanan
    Marahil Ako'y pinabayaan?
    Andaming naging katanungan
    Ngunit sa samu't-saring natunghayan
    Ako'y may malaking natutunan
    Na nakapagbago sa aking buhay
    'Yong paghihintay sa kalooban ng Panginoon.
    Na noong mga panahong
    hindi naging mahinahon
    at napakaraming naging tanong
    Grabe! Napakabuti mo!
    Hindi ko inaasahan
    Ang aking mga natutunghayan sa kasalukuyan
    Na hindi ko hiniling
    Ngunit kusang dumarating
    Grabe! Napakabuti mo!
    Ngayon, aking napagtanto
    at Ako'y natuto
    Na ito ang 'yong gusto
    Grabe! Ang kalooban mo!
    Sa pagsubok na nararanasan
    lagi kang nandyan
    Upang gumabay, umalalay
    At nilalayo ako sa kapahamakan
    Grabe! Napakabuti mo!
    Grabe! Sa taong ito!
    Damang-dama ko ang presensya mo!
    Sa dami kong pagkukulang
    Ang biyaya mo naman ay hindi ko lubos mabilang
    Ang sakit ng mga salita mo
    Ngunit sa sakit nayan
    Dyan ko nararanasan
    Ang sakit na nakapagbago sa aking buhay
    Lord Patawad
    na dati'y sa bawat lakad
    Hindi ko mailahad
    Ang salita mong walang kasing lakas
    Grabe! Napakabuti mo!
    Sa aking panibagong paglalakbay
    Ikaw ang aking kaagapay
    Upang maging matagumpay
    At malampasan ang mga hamon sa buhay
    Sa Panibagong Yugto ng aking buhay
    Ikaw ang magiging karamay
    hahawakan mo ang aking mga kamay
    At sabay tayong maglalakbay
    Ikaw lamang Panginoon
    Mula noon hanggang ngayon
    Patuloy na lalalim
    At mananatili sa iyong piling
    Mapa-isa, dalawa, tatlong beses na panalangin
    Hindi magiging sapat,
    upang ika'y purihin
    Ikaw ay sapat, tapat at Karapat-dapat
    Ikaw ang lahat, at mundo ay mamumulat
    Grabe! Napakabuti mo!
    Sa bawat taon na dumarating
    Gustong-gusto ko manatili sa iyong piling
    Yung tipong matutulog ng mahimbing
    Dahil sa iyo nananalangin
    Kaya sa susunod na taon
    Ang Aking New Year Resolution
    ang mapapurihan ng lubos
    ang makapangyarihang Diyos
    4 min

About Let's JTalk

From the publisher's feed

Hi! I am Jhay Manalo and I am here to give an inspirational and motivational words for all of you, And I also want to share my experiences and thoughts.