Share Life of a Tita
Share to email
Share to Facebook
Share to X
Alam niyo yung kanta na may lyrics na, magtanim ay di biro, maghapong nakayuko? Well this is basically applicable in today’s video. Ibig sabihin lang, hindi magiging madali ang pag tatanim. Mahirap, nakakapagod, masakit, pero once it’s time, kusa namang babalik ito sa atin at magiging worth it lahat ng efforts natin. Listen to this now!
#Accomplishments #LifeOfaTita #BeProud #SmallWins
Our topic would be the SMALL THINGS TO BE PROUD OF BUT WE OFTEN IGNORE. Ito yung mga bagay na magandang nangyayari sa atin pero nakakalimutan na nating pansinin dahil nakatutok lang tayo sa big picture or end goal. Of course the end goal is our objective but it’s better if we also appreciate what’s in between. Our journey, our small wins, small progress and accomplishments during the day para naman we wouldn’t feel na walang kwenta yung araw natin. Listen now.
Ang pag uusapan natin ngayon ay #SANAALL. Naging expression na ng karamihan ang salitang ito na sinasabi natin kapag meron tayong nakita sa iba na gusto din natin makuha at makamit. Alam naman nating mangyayari yan when the right time comes pero habang hindi pa dumadating yung bagay na yun, allow me to wish for you, pray for you, and hope for you through this.
Meron ka bang hinihiling noon pa na hindi pa din natutupad hanggang ngayon? Inip na inip ka na ba kaya minsan gusto mo na lang igive up? Nagtataka ka ba kung bakit wala pa din sagot? Malamang sa malamang lahat tayo ay merong kahilingan na hindi natin makuha kuha. It’s frustrating, it’s sad, and it’s disappointing at times na gusto mo nalang sabihin: “BAKIT? BAKIT HINDI MO PA BINIBIGAY”
Kasi....MAY MGA DAHILAN. Ano ano ito? Listen now or watch it on my YOUTUBE CHANNEL.
Naguguluhan tayo at namomroblema minsan dahil sa ibang tao pero hindi naman natin makakaila na may kinalaman tayo at sa kung paano tayo mag isip kaya hindi tayo maka labas labas dito at hindi natin makuha yung peace na kailangan natin. Ang tawag dito ay MINDSET. Ano nga ba ang ibig sabihin nito at ano ba yung kadalasang nakakadagdag sa ating isipin? Listen now.
Bakit nga ba kailangan natin iwasan ang ibang tao o sitwasyon? Hindi naman dahil sa choosy tayo kundi dahil naaapektuhan na ang ating happiness and peace of mind. Sometimes, we just need to choose kung sino ang nakakasama natin at anong sitwasyon ang papasukin para less stressful diba. Ano ano nga ba? Listen to this.
Dahil sa pandemic, halos lahat tayo ay naging online sellers na. Yung iba dahil hobby, pero karamihan sa atin ay nangangailangan ng extra money. Kaya naman nakakabilib ang bawat isa sa atin dahil sa ating natatanging diskarte. Pero siyempre, for us to be successful at what we do, may mga bagay tayong kailangang tandaan para lumago ang negosyo at hindi tayo mawalan ng customers.
Ano ang mga ito? Listen now!
Matatawag mo na ba ang sarili mo na isang Tita (o Tito)? Karamihan sa atin ay maaring nasa ganitong stage na ngayon, pero ano ano nga bang signs? Here are some of the things na naobserve ko lamang through the years.
Listen to this now para malaman mo kung pasok ka na listahan.
Ang pag uusapan natin ay kung paano nga ba haharapin ang mga offensive or negative comments na nakakasakit ng damdamin. Hay nako. May mga tao talagang sadyang walang preno at matalas ang mga dila. Papatulan ba natin sila? Of course not. Nakakainis man pero hindi natin kailangang pumantay sa kanilang lebel at hindi kailangang makipag away. Ireresolba natin ito sa matured at maayos na paraan.
Lahat naman tayo ay gustong umasenso sa buhay. Sino ba namang ayaw diba? Pero kailangan natin alalahanin at tanggapin na hindi magiging madali ito. But with guidance and knowing the secrets, we will achieve that in no time ng hindi natin namamalayan. TOP 10 SECRETS para UMASENSO---iyan ang paguusapan natin ngayon.
The podcast currently has 10 episodes available.