PAULINES

MABUTING BALITA | ABRIL 1, 2021 – Huwebes Santo


Listen Later

MABUTING BALITA | ABRIL 1, 2021 – Huwebes Santo

EBANGHELYO: JUAN 13:1-15

PAGNINILAY:

Narinig natin sa Mabuting Balita na hinugasan ni Hesus ang mga paa ng mga apostol. Kagulat-gulat at isang malaking iskandalo ang ginawa niya, dahil mga alipin lang ang naghuhugas ng paa ng mga bisita. Sandalyas lang ang suot ng mga tao noon, hindi sapatos. Kaya’t makalipas ang isang araw na paglalakad sa maalikabok na daan, marumi at maputik ang kanilang mga paa. Kaya naman hindi nakapagtataka na tumanggi si Pedro. Mga kapanalig, anong aral ang nais ituro ng Panginoong Hesus sa ginawa niyang paghuhugas ng paa ng mga alagad? Tatlong bagay ang nais Niyang ipahiwatig sa atin… Una, ipinakikita Niya rito ang kababaang-loob na dapat taglayin ng sinumang nagnanais na maging pinuno at guro ng iba. Kinakailangan ang katangian ng isang servant leader, na hindi naghari-harian, kundi buong pagpapakumbabang naglilingkod sa Kanyang nasasakupan. Siya ang nauunang magtrabaho upang bigyan ng mabuting halimbawa, ang mga taong pinaglilingkuran, kung paano maging isang servant leader. May kahandaang makinig sa suggestion at tumanggap ng feedback para sa ikabubuti nang nakararami. Pangalawa, ipinakikita ni Hesus sa mga alagad at sa atin din, na dapat tayong maglingkod sa isa’t-isa… Aniya, “Kung ang Panginoon ninyo at guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong maghugasan ng paa.”  Para magawa natin ito, kinakailangan nating taglayin ang sensitivity at mindfulness sa pangangailangan ng bawat miyembro ng ating pamilya o komunidad, upang magtulungan tayong mapagaan ang pasanin ng bawat isa. Ikatlo, ipinahihiwatig nito sa diwang sakramental ang pangangailangan ng tao na malinis sa kasalanan. Oo, kailangan nating aminin ang ating mga kasalanan at humingi ng tawad sa Sakramento ng kumpisal. Mga kapanalig, pagpapakumbaba at pagpapatawad ang susi para makatugon tayo sa panawagan ng Panginoon na maghugasan tayo ng paa. Sa totoo lang, mahirap hugasan ang paa ng ating kaaway, o ng taong nakasakit ng ating damdamin, at hindi natin mapatawad. Mahirap hugasan ang paa ng taong ayaw natin/ o ayaw sa atin. At lalong mahirap hugasan ang paa ng mga taong mayabang at mahirap abutin, dahil hindi nila nakikita ang pangangailangan na hugasan ang kanilang mga paa. Sa harap ng mga balakid na ito, kinakailangan natin ang grasya ng Panginoong Hesu-Kristo na matuto tayong magpakumbaba at magpatawad. Kapag malaya ang ating pusong umibig kagaya ni Hesus, kakayanin nating mag take ng risk para abutin ang mga taong tila mahirap pakisamahan at abutin, mga taong indifferent sa atin, at mga taong nakasakit ng ating damdamin. I-reject man nila tayo, at least we’ve done our part para abutin at paglingkuran sila. Ngayong sinisimulan natin ang Easter Triduum, hilingin natin ang grasyang magpakumbaba at patawarin ang mga taong nagkasala sa atin, upang huwag tayong mag-alinlangang abutin sila at hugasan ang paa sa diwa nang tunay na paglilingkod.

– Sr. Lines Salazar, fsp (Daughters of St. Paul)

PANALANGIN:

Panginoon, patawad po sa aking mga biases at prejudices sa aking pakikitungo sa kapwa. Matutunan ko nawang hugasan ang paa ng mga taong aking nakakasalamuha nang walang pagtatangi – miyembro miyembro man sila ng aking pamilya, komunidad at kasamahan sa parokya. Tulungan Mo po akong maging mapagpakumbaba at mapagpatawad nang huwag akong pangunahan ng takot na ma-reject, sa tuwing sinisikap kong abutin ang mga taong tila mahirap mahalin. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings