Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Abril 22, 2022
Biyernes sa Oktaba ng Pasko ng Pagkabuhay
Ebanghelyo: Juan 21: 1-14
Muling ibinunyag ni Jesus ang kanyang sarili sa mga alagad sa may Lawa ng Tiberias. Ibinunyag niya nang paganito. Magkakasamang naroon sina Simon Pedro, Tomas, na tinaguriang kambal, Nathaniel, na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pa sa mga alagad niya. Sinabi sa kanila ni Simon Pedro: “Aalis ako para mangisda.” Sinabi nila sa kanya, “Sasama kami sa ‘yo.” Lumabas sila at sumakay sa bangka, ngunit wala silang nahuli ng gabing ‘yon. Nang madaling-araw na, nakatayo si Jesus sa dalampasigan pero hindi nakilala ng mga alagad na si Jesus iyon. Tinatawag sila ni Jesus: “Mga bata, may kaunti kaya kayong makakain?” Sumagot sila sa kanya: “Wala!” Sinabi naman niya sa kanila: “Ihulog ninyo sa may bandang kanan ng bangka ang lambat at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nga nila at hindi na nila makayanang hilahin iyon sa dami ng isda. Kaya sinabi ng alagad na ‘yon na mahal ni Jesus, “Ang Panginoon s’ya!” Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon ‘yon, nagsuot s’ya ng damit sapagkat hubad s’ya at saka tumalon sa lawa. Dumating naman ang iba pang mga alagad sakay ng bangka sapagkat hindi sila kalayuan mula sa pangpang kundi mga sandaang metro lamang. Hinila nila ang lambat ng mga isda. Kaya nang makalunsad sa lupa, nakita nilang may nagbabagang uling doon, na kinaihawan ng isda at may tinapay. Sinabi sa kanila ni Jesus: “Halikayo’t mag-almusal!” Wala namang makapangahas sa mga alagad na mag-usisa sa kanya: ‘Kayo ba’y sino?’ dahil alam nilang si Jesus iyon. Lumapit si Jesus at kumuha ng tinapay at ipinamahagi sa kanila. Gayundin ang ginawa niya sa isda. Ito ang ikatlong pagpapahayag ni Jesus sa mga alagad matapos siyang ibangon mula sa mga patay.
Pagninilay:
Sa ebanghelyo ngayon, hindi napansin ni Pedro at ng kanyang mga kasama si Jesus
dahil abala sila sa pangingisda para sa kanilang pagkain kaysa sa pagkaing mula sa
langit. Marahil tayo rin ay sobrang abala sa samut-saring gawin at nakakaligtaan na natinang Panginoon. Ang pagbubunyag ni Hesus ay araw-araw nating nararanasan at
madalas ito sa mga pangkaraniwan bagay, salita, o pangyayari. Si Kristo ay buhay sa
pamamagitan ng ating pamilya, kaibigan, lipunan, simbahan, at maging sa mga
estranghero. Sa tuwing pinapadama ng Panginoon ang kanyang pag-ibag at tayo ay
nagkakaisa sa pagmamahal, narito siya. Gaya ng alagad na mahal ni Hesus, kailangan
lang natin damhin ang pagibig at masabit: “Ang Pinginoon siya!” Malay mo kapatid nasa
harapan mo na ang hinahanap mo.
- Cl. John Christian Lacap, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings