Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | AGOSTO 14, 2021
Sabado sa ika -19 na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MATEO 19:13-15
May nagdala kay Hesus ng mga bata para ipatong n’ya ng kanyang kamay sa kanila at madasalan. Pinagalitan naman ng mga alagad ang mga taong may dala sa kanila. Kaya sinabi ni Hesus: “Pabayaan ninyo sila. Huwag ninyong pigilang lumapit sa akin ang mga bata. Sa mga tulad nga nila ang kaharian ng langit.” At pagkapatong ni Hesus ng kanyang kamay sa kanila, umalis na s’ya.
PAGNINILAY:
Mahigit isang taon ng tahimik ang paaralan, walang sigla, walang buhay dahil sa pandemya. Nakaka-miss ang maliliit na tinig sa panalanging paawit bago magsimula ang klase, ang naka-aaliw na pagtatakbuhan kapag lunchbreak at ang nakatutuwa at kamangha-manghang gawi ng mga batang sadyang bibo. Aba, mahigit na tatlong dekada na palang kasa-kasama ko ang mga bata. Kaya naman pala feeling young pa rin ako! Mga kapanalig, ang Mabuting Balita natin ngayon ay napakaikli, pero magandang pagnilayan ang tatlong mahahalagang detalye nito: ang pagdadala kay Hesus ng mga bata, ang pagkagalit ng mga alagad sa mga taong nagdala sa kanila at ang pagtanggap ni Hesus sa mga bata sabay wika, “Pabayaan ninyo sila. Huwag ninyong pigilang lumapit sa akin ang mga bata.” Kahanga-hanga ang ginawa ng mga taong nagdala sa mga bata kay Hesus upang sila ay mabendisyunan. Ipinakita nila dito na bata man sila ay kinakailangan din ng parehas na pagpapahalaga. Samantalang ang mga alagad naman ay nagalit at pinaalis sila. Kung bakit tila humadlang sila na lumapit kay Hesus ang mga bata ay dahil noong kapanahunan ni Hesus mababa ang pagtingin nila sa mga kababaihan at mga bata, 2nd class citizen, ika nga. Sa kabilang banda naman ang tinuran ni Hesus ay nagpakita ng pagtanggap Niya sa kanila. Marahil kinagiliwan din ni Hesus ang mga bata o naaliw Siya sa kanila dahil sa taglay nilang katangian tulad ng pagiging simple at inosente. Alam ni Hesus na sila, isip bata man sa ngayon, pero darating ang panahon na magiging kapaki-pakinabang din. Ang pagbibigay ni Hesus ng pansin sa mga bata ay nagpakita ng pagpapahalaga at pagmamahal Niya maging sa mga aba, makasalanan, mababa sa pagtingin ng lipunan tulad ng maliliit na bata. Sa tagpong iyon itinaas ni Hesus ang “halaga” ng mga bata. Kapanalig, tanungin mo ang iyong sarili: Ako ba ay naging hadlang o naging dahilan upang mapalapit ang mga bata kay Hesus?
- Ms. Vicky Lucero, IOLA | Institute of Our Lady of the Annunciation
PANALANGIN: Panginoon, itulot N’yo pong maging mabuting halimbawa ako sa mga bata upang makilala Ka nila, madama ang Iyong kabutihan at pagmamahal at mapalapit sila sa Iyo. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings