Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | AGOSTO 16, 2021
Lunes sa ika -20 na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MATEO 19:16-22
Lumapit kay Hesus ang isang binata at nagtanong: “Guro, anong mabuti ang dapat kong gawin para makamit ang buhay na walang hanggan?” “Bakit tungkol sa mabuti ang tanong mo? Iisa lang ang Mabuti. Kung gusto mong pumasok sa buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.” “Anong mga utos?” “Huwag papatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri ng kapwa, igalang ang iyong ama at ina at mahalin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’” “Sinunod ko ang lahat ng ito, ano pa ang kulang ko?” “Kung gusto mo maging ganap, umuwi ka’t ipagbili ang mga ari-arian mo at ibigay ang pera sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pagkarinig ng binata sa pahayag na ito, umalis siyang malungkot sapagkat napakayaman niya.
PAGNINILAY:
Bago pumasok ang isang panibagong taon, ang isa mga ginagawa ko ay binubuksan ko ang cabinet at mga drawers ko at titingnan ko kung alin ang mga bagay na pwede ng maipamigay. Pipili ako ng mga damit, pantalon at iba pa na maayos at maaari pang gamitin ng iba. Isa ito sa mga bahagi ng pagdidisiplina ko sa aking sarili. Pero minsan napatanong ulit ako, “Ito lang ba ang dapat kong ipamigay?” “O may mas kaya pa akong ibigay?” Sa Mabuting Balita, alam ni Hesus na natutupad ng lalaki ang nasusulat sa sampung utos at walang duda na mabuti ang kanyang ginagawa. Pero ang pagiging mabuti para kay Hesus ay hindi lamang pagiging law-abiding citizen but love-abiding Christian. Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang pagsunod sa mga nakasulat sa sampung utos bagamat ito ang pinakapundasyon. Habang lumalago tayo sa ating pananampalataya, mas marami dapat tayong sundin na hindi nasusulat sa kautusan ng Diyos. At isa na rito, ang pamimigay ng mga ari-arian. Mahalaga ang mga materyal na bagay sa ating buhay. Pero sa buhay pananampalataya, ang isa sa mga radikal na pagtawag sa atin ng Diyos ay magbigay ng mga materyal na bagay, hindi lang dahil tayo ay may sobra, kundi dahil tayo ay nagmamahal. Ito ang nais ni Hesus na ipagawa doon sa lalaki. At dito nahirapan ang lalaki. Malungkot siya na umuwi sa kanila. Mga kapanalig, may mga pagkakataong iniisip nating mabuti na tayo. Pero kung tatanungin natin muli ang Diyos ngayon, ano kaya ang mabuting nakalilimutan pa nating gawin? Ano pa kaya ang pwede natin maibigay para sa ating kapwa at para sa Diyos?
Fr. Micha Miguel Competente, SSP |Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings