Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | AGOSTO 31, 2021
Martes sa ika -22 na Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: LUCAS 4:31-37
Bumaba si Hesus sa Capernaum na isang bayan ng Galilea, kung saan niya nakaugaliang magturo tuwing Araw ng Pahinga. At nagulat ang mga tao sa kanyang aral dahil nagtuturo siya nang may kapangyarihan. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng maruming demonyo, na sumigaw nang malakas. “Ah, ano ang pakialam mo sa amin, Hesus na taga-Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka, ang Banal ng Diyos!” “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!” Pagkatapos ibulagta ng demonyo ang tao sa gitna nila, lumabas ito mula sa kanya nang hindi sinasaktan. Pagtataka ang sumalahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Nakapag-uutos siya sa maruruming espiritu nang may kapangyarihan at lakas, at lumalabas sila!” Kayat kumalat ang usap-usapan tungkol sa kanya sa lahat ng lugar sa kabayanan.
PAGNINILAY:
Kailan ka huling namangha sa mga gawa ng Panginoon? Kailan mo huling binigyang pansin ang kapangyarihan at bisa ng kanyang mga salita? Kailan mo ginamit at binigkas ang mga Salita ng Diyos upang labanan ang masama? Ang pagpapalayas ng masamang espiritu ay isa sa maraming himalang ginawa ni Hesus sa panahon ng kanyang public ministry sa Galilea. Ang masasamang espiritung ito ang pinaniwalaang dahilan ng sakit, o kapansanan, o pagkawala sa sariling katinuan, o anti-social behavior ng mga inaalihan nito. Dinudungisan nila ang pagkatao ng kanilang biktima at pinapahirapan sa katawan man o kaluluwa. Ginamit ni Hesus ang kapangyarihan ng kanyang mga salita upang palayain ang taong ginapi ng masamang espiritu. Alinsunod sa misyong galing sa Ama, binigyang ginhawa ni Hesus ang mga nabilanggo sa iba’t ibang uri ng paghihirap. Kinikilala ng masamang Espiritu ang kapangyarihan ni Hesus at ang kabanalan nito. Alam din niya na si Hesus ay nagmula sa Diyos. Hindi niya mahihigitan ang kapangyarihan ni Hesus kaya masunurin niyang nilisan ang taong kanyang pinahihirapan. Ang pagpapalayas sa masamang espiritu at pagpapagaling sa mga may sakit ay pauna lamang sa kaginhawahan at kaligtasang kanyang bibigyang kaganapan sa kanyang pag-aalay ng sarili sa Krus upang ang tao’y di na kailanman magapi pa ng kasalanan at kasamaan.
– Sr. Nimfa Ebora, PDDM | Disciples of the Divine Master
PANALANGIN:
Nananalig ako Panginoon na makapangyarihan ang iyong mga salita. Iadya mo kami sa lahat ng masama at ihatid mo kami sa kaginhawahang iyong bigay para sa amin. Amen.
EXTRO:
Isa na namang pagpapahayag ng Mabuting Balita ang inyong napakinggan para sa araw na ito. Makiisa sa aming misyon. Maging tagapagpahayag din ng Mabuting Balita sa pamamagitan ng pag like, pag share, o pag tag ng videong ito. At kung meron kayong mga prayer intentions, reactions o comments sa videong ito, i-message lamang kami sa Paulines radio ph. At sa inyo pong lahat na nagme-message sa amin para sa iba’t ibang kahilingan… sa mga nagdarasal at nagpapadala ng tulong-pinansyal para sa pagtaguyod ng misyon na ito… Asahan po ninyo na ipinagdarasal naming sa Diyos ang inyong mga kahilingan, kalagayan at kaligtasan. Ito po muli si Sr. Lines ng Daughters of St. Paul na nag-iiwan sa inyo ng mga katagang:
Sa patuloy nating pakikibaka sa buhay ngayong panahon ng pandemya, sa Panginoong HesuKristo, ang Tinapay ng Buhay, ang siyang paghugutan natin ng pag-asa.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings