Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | AGOSTO 7, 2021
Sabado sa ika -18 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lumapit kay Hesus ang isang lalaki, lumuhod sa harap niya at nagsabi: “Ginoo, maawa ka sa aking anak na lalaki na may epilepsi at lubhang nahihirapan. Madalas siyang mahulog sa apoy at kung minsan nama’y sa tubig. Dinala ko na siya sa mga alagad mo pero hindi nila siya napagaling.” Sumagot si Hesus: “Mga walang pananampalataya at ligaw na tao kayo! Gaano pa katagal na panahon ako mananatili sa piling n’yo? Hanggang kailan ako magtitiis sa inyo? Dalhin siya rito sa akin.” At inutusan ito ni Hesus, at umalis sa kanya ang masamang espiritu. At gumaling ang bata sa sandaling iyon. Pagkatapos ay nilapitan ng mga alagad si Hesus, at tinanong nang sarilinan: “Bakit hindi namin napalayas ang espiritu?” Sinabi ni Hesus sa kanila: “Sapagkat kakaunti ang inyong pananampalataya. Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masasabi n’yo sana sa bundok na ito na gumalaw mula rito at gagalaw ito. At walang imposible para sa inyo.”
PAGNINILAY:
Kilala tayong mga Filipino sa maraming pinaniniwalaang mga pamahiin. Halimbawa, kapag may patay, marami akong nakikitang pinuputol ang rosaryo para raw walang sumunod na mamatay na kaanak. O kaya madalas tayong nagsasabi, “Tabi, tabi po.” O kaya mahilig tayong maniwala sa mga swerte at malas. Halimbawa, marami ang nagpapahula, nagsasabi na malas daw ang Friday the 13th. Ilan lamang ito sa mga pamahiin na walang kinalaman sa ating pananampalatayang Kristiyano. At ang mas nakalulungkot na reyalidad, marami sa mga naniniwala dito ay mga Katolikong Kristiyano. Bakit? Dahil marami ang naniniguro na maliligtas sila. Sigurista kumbaga! Kaya ginagawa nila ang lahat para maitaboy lang ang mga masasamang espiritu, mga malas at pumasok ang swerte, o para mas humaba at magkaroon ng masaganang buhay. Sabi pa nga ng iba, “Wala namang mawawala kung maniniwala.” Pero dahil sa labis na pagiging sigurista, mas lalo tayong hindi nagiging sigurado. Sa labis nating paniniwala sa mga ito, mas lalong maraming nawawala sa ating buhay, nawawala ang dalisay na pananampalataya sa iisang Diyos. Mga kapanalig, ang paniniwala sa mga pamahiin o sa iba’t ibat diyus-diyusan ay tanda ng isang mahinang pananampalataya sa Diyos. Tanda ng maliit na pananampalataya sa Diyos. Sa Mabuting Balita ngayon, binigyang-diin ni Hesus ang kahalagahan ng pananampalataya. Ang pananampalataya sa Diyos lamang ang tiyak na makapagpapaalis ng demonyo doon sa bata at wala ng iba pa. Pero hindi nagawang palayasin ng mga disipulo, dahil minaliit nila ang kanilang pananampalataya. Hinayaan nila ang takot o maaaring naniniwala lang sila sa sarili nilang kakayahan o kayabangan. Kaya anong sinabi ni Hesus sa kanila? Dapat maging tulad ng isang buto ng mustasa ang kanilang pananampalataya. Kahit maliit basta’t ito’y mula sa paniniwala nila sa Diyos, maaari itong magligtas sa kanila. Ang pagiging maliit ng buto ng mustasa ay simbolo ng kababaang-loob. Kung nais natin makasiguradong maligtas tayo mula sa mga demonyo, mga masasamang elemento o mga kapahamakan, aminin natin ang ating pagiging maliit. Maging mapagkumbaba tayo dahil sa buhay pananampalataya hindi lang tayo ang gumagalaw, kundi higit sa lahat ito ay galaw ng Diyos. Higit sa lahat, huwag maliitin ang pananampalatayang Kristiyano. Kung kasama natin ang Diyos, tiyak na walang imposible sa ating buhay.
Fr. Micha Miguel Competente, SSP |Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings