Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 11, 2021
Sabado sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento
EBANGHELYO: Mt. 17: 9a, 10-13
Tinanong si Hesus ng mga alagad: “Bakit sinasabi ng mga guro ng Batas na dapat munang pumarito si Elias.” At sumagot si Hesus: “Dapat nga munang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias pero hindi nila s’ya nakilala at pinakitunguhan nila s’ya ayon sa kanilang kagustuhan. At gayon ding paraan magdurusa ang Anak ng Tao sa kamay nila.” At naunawaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy ni Hesus.
PAGNINILAY:
Hindi naunawaan ng mga disipulo ang sinasabi sa kanila ni Hesus na si Elias ay muling babalik. At sa katunayan pumarito na si Elias sa mundo pero di siya nakilala at tinanggihan pa nga siya. Sa katauhan ni Elias inihahanda na niya ang mga disipulo sa kanyang darating na pagpapakasakit at kamatayan. Hindi pa rin nila makita ang pagbabalik ni Elias sa katauhan ni San Juan Bautista. Mga kapanalig, may mga panahon na di natin maunawaan ang sinasabi sa atin ng ating Panginoon. Maaaring lagi tayong abala sa mga bagay na di naman mahalaga o kaya’y magulo ang ating isipan, maraming alalahanin, mga pangangailangan sa buhay araw-araw, may karamdaman at maraming gustong gawin. Ngayong Adbiyento, buksan nawa natin ang ating isip at puso sa sinasabi ni Hesus sa atin. Bigyan natin siya ng lugar sa ating buhay. Siya ang tunay na propeta, ang daan, ang katotohanan at buhay. Sa ngayon, na aligaga ang marami sa darating na eleksyon, nakikinig sa ibat ibang boses at opinion. Di na makilala kung alin ang tama o mali. Panahon na upang tayo’y tumahimik at makinig sa sinasabi ng Holy Spirit sa ating puso at konsiyensya. Makinig tayo sa salita ni Hesus, sa Biblia. Nararapat lamang na ito ang ating sundan at hindi ang mga bulaang propeta na puro pangako at kasinungalingan. Sa katapusan ay wala silang dulot na ginhawa at kaligtasan. Sa ating Panginoong Hesus, na nagdanas ng hirap at kamatayan sa krus, sa kanya natin makakamit ang buhay na ganap at makabuluhan sa kabila ng ating mga problema at paghihirap sa panahong ito. Dumating na ang Panginoon, nasa atin siyang puso, sa ating tahanan, sa ating komunidad, at sa simbahan, tanggapin natin siya at ibigay sa kanya ang lahat ng ating alalahanin.
- Sr. Yolanda Dionisio, FSP | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings