Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 12, 2021
Ikatlong Linggo ng Adbiyento
EBANGHELYO: Lc 3:10-18
Tinatanong si Juan ng maraming tao: “Ano ngayon ang aming gagawin?” “Ang may dalawang balabal ay magbigay sa taong wala, at gayon din ang gawin ng may pagkain.” Pinuntahan siya pati na ang mga maniningil ng buwis para magpabinyag at sinabi sa kanya: “Guro, ano ang aming gagawin?” “Huwag kayong maningil ng higit sa ipinag-uutos sa inyo.” Nagtanong din sa kanya ang mga sundalo: “Ano naman ang gagawin namin?” “Huwag kayong mangikil o magparatang nang di totoo kanino man; masiyahan na kayo sa inyong suweldo.” Nananabik noon ang mga tao at nag-isip-isip ang lahat kung hindi nga kaya si Juan ang Mesiyas. At sumagot si Juan sa pagsasabi sa kanilang lahat: “Nagbibinyag ako sa inyo sa tubig pero dumarating na ang isang mas makapangyarihan sa akin. Ni hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Sa Espiritu Santo at apoy niya kayo bibinyagan. Siya ang nakahandang magtahip sa inyo ng butil ng trigo. Iipunin niya ang lahat ng butil sa kanyang kamalig pero susunugin ang mga ipa sa apoy na walang hanggan.” Sa pamamagitan nito at sa iba pang pangangaral nagturo si Juan sa bayan.
PAGNINILAY:
Sa kabila ng ating mga pinagdaanang pagsubok ngayong taon dala pa rin ng krisis ng COVID-19, makukuha pa kaya nating magsaya? Ano kaya itong sinasabi nating kagalakan na hatid ng Adbiyento at Pasko. Ano kaya itong Kristyanong kagalakan? Ipinagdiriwang natin ngayon ang Linggo ng Gaudete o Linggo ng Kagalakan. Sa Mabuting Balita, damang-dama ng mga tao ang pananabik sa kaligtasan ng Mesiyas kaya lumapit at nagpabinyag sila kay Juan Bautista. Akala nila si Juan ang Mesiyas. Pero tinukoy ng propeta na hindi siya ang Mesiyas na magbibinyag sa Espiritu Santo at sa apoy, kundi isang abang alipin lamang na hindi karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Nang tanungin si Juan ng mga tao kung paano sila maghahanda sa pagdating ng Mesiyas, malinaw ang sagot ni Juan: tumulong sa kapwa at tupdin ang tungkulin ng buong puso at katapatan. Mga kapanalig, kung gusto nating sumaya, magpasaya tayo ng kapwa. Magmalasakit. Magbahagi. Magpasalamat. Magpatawad. Ang Kristyanong kagalakan ay kaloob ng Diyos sa atin. Hindi natin ito “pinaghihirapan”; kusa tayong natatagpuan ng kagalakan ng Diyos. We don’t find joy; JOY finds us. We don’t make joy happen; joy happens to us. Bukod sa regalo o presensya ng Diyos, ang Kristiyanong kagalakan ay pagtugon; isang desisyon; a surrender.Maaaring magkaroon kagalakan sa kabila ng pagsubok at problema sa buhay, dahil ang Kristyanong kagalakan ay niyayakap ang kalungkutan, ang mga paghihirap at sakripisyo para sa minamahal at para sa misyon. Ang Kristyanong kagalakan ay hindi panandalian, dahil nakabatay ito sa walang maliw na kagalakan, pag-asa, at pag-ibig ng Diyos.
- Fr. Paolo Asprer, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings