Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | Disyembre 14, 2020 - Lunes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento
EBANGHELYO: Mt 21: 23-27
Pagpasok ni Jesus sa Templo, lumapit sa kanya ang mga Punong-pari, mga guro ng Batas at mga Matatanda ng mga Judio, at nagtanong: “Ano ang karapatan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagtalaga sa iyo?” Sinagot sila ni Jesus: “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong. At kung may sagot kayo, sasagutin ko kayo kung sino ang nagtalaga sa akin para sa mga ito. Saan galing ang pagbibinyag ni Juan, sa Diyos ba o sa tao?” At nag-isip-isip sila: “Kung isasagot nating galing sa Diyos, sasabihin niya: ‘Bakit di kayo naniwala ka kanya?’ At kung sasabihin naman nating galing lamang sa tao ang pagbibinyag ni Juan, dapat tayong matakot sa bayan sapagkat akala nila’y tunay na propeta si Juan.” Kaya sinabi nila kay Jesus: “Hindi namin alam.” At sinabi sa kanila ni Jesus: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagtalaga sa akin na gumawa ng mga ito.”
PAGNINILAY:
Ano ba ang kapangyarihan ni Jesus sa buhay natin? Narinig ko lang ang kwentong ito tungkol sa pagkikita ng isang recent convert at kanyang kaibigan na hindi naniniwala sa Diyos o isang atheist. Agad na tinanong ng atheist ang kanyang kaibigan, “Pare, balita ko naniniwala ka na kay Jesus.” Kaagad sumagot ang recent convert, “Totoo, pare ang narinig mong balita. Naniniwala at nagtitiwala na ako kay Jesus as God.” “Talaga lang ha. Sige nga, matanong nga kita tungkol sa kanya. Saan siya ipinanganak? Ano ang pangalan ng kanyang mga magulang? Sino ang mga kaibigan n’ya? Anong edad ni Jesus noong siya’y namatay.” Sunod-sunod na tanong ng atheist.// Malungkot ang recent convert at buong puso itong humingi ng paumanhin. “Pasensya na pare, pero hindi ko pa alam masyado ang mga detalye na gusto mong malaman. Nagsisimula pa lang kasi akong mag-aral tungkol sa buhay ni Jesus. Pero ito ang siguradong alam ko: Three years ago, sinusumpa ako ng pamilya ko dahil sa mga bisyo ko. Lubog kami sa utang. Muntik na akong hiwalayan ng aking asawa. Pero ngayon, masaya kong sinasabi na wala na akong bisyo. Naging responsible akong ama at asawa. Nabayaran ko ang aking mga inutang. Bumabalik na ang dating sigla sa aming mumunting tahanan. Ang lahat ng pagbabagong ito’y nangyari sa buhay ko, pagkatapos kong makilala at manampalataya kay Jesus.”// Mga kapanalig, merong kapangyarihan si Jesus na baguhin ang ating buhay. Mangyayari lamang ito kung ating bubuksan at patutuluyin ang Panginoon na palaging kumakatok sa pintuan ng ating mga puso’t isipan. Amen. - Fr. JK Malificiar, SSP
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings