Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 18, 2021
Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento
EBANGHELYO: Mt. 1: 18-25
Ito ang pangyayaring napaloob sa kapanganakan ni Hesukristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. Kaya binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw niya itong mapahiya. Habang iniisip-isip niya ito, nagpakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose anak ni David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki, na pangangalanan mong Hesus sapagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi nga ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: “Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y ‘Nasa-atin-ang-Diyos.’ Kaya pagkagising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Angel ng Panginoon at tinanggap niya ang kanyang asawa.
PAGNINILAY:
Sa Mabuting Balita ngayon, nakilala natin si San Jose na isang taong matuwid, “na hindi ginusto na mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang paalisin si Maria nang lihim.” Sumusunod siya sa batas, masipag, mababang loob at tunay na nagmamahal kay Maria. Naniwala siya sa sinabi ng anghel sa kanyang panaginip, kaya’t siya’y sumunod at tahimik niyang ginampanan ang kanyang napakahalagang misyon. Hindi siya nanghusga, hindi siya nanira ng ibang tao. Buong puso niyang inalagaan si Maria at si Hesus. Mga kapanalig, kung nais nating makasama din si Hesus sa ating buhay, tulad ni San Jose, makipag ugnayan tayo sa Diyos at kapwa nang may kababaang loob at tahimik na naglilingkod. Tumulong tayo sa mahihina, sa nangangailangan, sa may sakit at sa nagugutom. Si Hesus ay natatagpuan sa mga kapatid nating ganito ang kalagayan. Emmanuel, ang Diyos ay sumasaatin. Sana ay matulad tayo kay San Jose, na natagpuan at nakasama si Hesus sa kanyang kababaang loob at tapat na paglilingkod.
- Sr. Yolanda Dionisio, FSP | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings