PAULINES

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 20, 2021 | LUNES


Listen Later

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 20, 2021

Lunes sa Ikaapat na Linggo ng Adbiyento


EBANGHELYO: Lc 1:26-38 

Ng ikaanim na buwan, ang Angel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilea

na tinatawag na Nazaret. Sa isang Birhen naidulog na sa isang lalaking sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose, at ang pangalan ng Birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroronan ng babae ay isanabi niya! “Abba puspos ka ng biyaya ang Panginoon ay sumasainyo.” Sa mga pangungusap na ito, si Maria ay nabigla at pinagdilidili ang kahulugan ng gayong bati. Datapwat sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugodlugod ka sa mata ng Diyos. Tingni maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawagin Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David ng kanyang ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; at walang katapusan ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa Angel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakikilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipapanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag-anak mong si Esabel ay naglihi  rin ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan nya, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari.” “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel

PAGNINILAY:

Nakasambit ka na ba ng isang matamis na “oo”? Yung tipong bago mo pa masambit ito, nakaranas ka ng takot at pangamba, kaya minabuti mong pagnilayan muna ang iyong magiging desisyon?  Marahil ito din ang naging karanasan ng ating Mahal na Birheng Maria sa Mabuting Balitang narinig natin ngayon. Bukod sa isang anghel ang nagpakita sa kanya, natakot din sya sa sinabi nito. Mukha kasing imposible, ang masyadong engrande na planong inilatag sa kanya. Mga kapanalig, may mga pagkakataon na hirap tayong magbitaw ng “oo” dahil sa takot at pag-aalinlangan. Pero kung tungkol sa bokasyon at misyon ang inihahain sa atin ng Diyos, alalahanin nating walang impossible sa Kanya! Tularan natin ang Mahal na Ina. Sa kabila ng kanyang takot, siya ay nagnilay, naging bukas sa kalooban ng Diyos at nagsambit ng kanyang matamis na “oo”.

- Sr. Ma. Janice Golez, PDDM | Pious Diciples of the Divine Master

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings