PAULINES

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 23, 2021 | HUWEBES


Listen Later

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 23, 2021

Huwebes sa Ikaapat na Linggo ng Adbiyento


EBANGHELYO: Lc. 1:57-66

Nang sumapit na ang panganganak ni Elisabet, isang anak na lalaki ang isinilang niya. Narinig ng mga kapitbahay at mga kamag-anakan n’ya kung gaano nagdadalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa kanya. Nang ikawalong araw na, dumating sila para tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. Sumagot naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto niyang itawag dito. Humingi siya ng isang sulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinusulat: “Juan ang pangalan niya.” Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos. Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga nakarinig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” dahil sumasakanyang talaga ang kamay ng Panginoon.

PAGNINILAY:

Isang malaking biyaya at katuwaan ng pamilya pag may bagong silang na sanggol.  Narinig nating isinasalaysay sa Mabuting Balita ngayon, ang pagsilang kay Juan Bautista at ang pag binyag sa kanya. Sa kapanahunan ni Juan Bautista, a child is baptized on the 8th day after birth at kapangalan ng ama o galing sa angkan nila. Kakaiba si Juan dahil ang Diyos ang nagbigay ng kanyang pangalan, na ang ibig sabihin, “God is gracious” dahil ipinanganak siya sa kabila ng katandaan ng kanyang mga magulang. May nakalaan ang Diyos na mahalagang misyon kay Juan Bautista. Mga kapanalig, ang Diyos ay may plano na sa bawat batang isinisilang at ganun din sa atin. Naalala ko noong isilang ang aming apong babae, July, 2020. Panahon ng Pandemya kaya’t sadyang mahirap ang sitwasyon lalong-lalo na, parehong affected ng covid 19 ang kanyang mga magulang. Pero napalitan ng malaking tuwa at kasiyahan ang araw na isinilang ito. Tunay nga, ang mga bata ang nag-bibigay buhay at saya sa pamilya. Katulad nina Elisabet at Zacarias na pinaghandaan din ang pagbigay ng pangalan at pagbinyag sa bata. Ang bawat bata na isinisilang ay may kasamang biyaya at misyon na pinagtitibay ng binyag. Ipanalangin natin ang mga bata, na nawa’y lumaki silang nahubog ng kagandahang asal na may pananampalataya at pag-ibig sa Diyos.

- Siony Japzon Ramos, IHF | Institute of the Holy Family

PANALANGIN: Maraming Salamat po, Panginoon, sa malaking biyayang bigay Mo, sa bawat bata isinisilang sa aming mga pamilya. Bless every family, so that like John the Baptist, we may be able carry and fulfill our mission. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings