Sign up to save your podcasts
Or

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 25, 2021
Sabado – Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
EBANGHELYO: Jn 1:1-18
Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula. Sa pamamagitan niya niyari tanang mga bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng mga tao ang buhay. Sa karimlan sumisikat ang liwanag at hindi ito nahadlangan ng karimlan. May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamamagitan niya. Hindi ‘yon liwanag, kundi patotoo tungkol sa Liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao. Bagamat nasa mundo siya at sa pamamagitan n’ya nagawa ang mundo. Hindi s’ya kilala ng mundo. Sa sariling kanya s’ya pumarito at hindi siya tinanggap ng mga kanya. Ngunit sinumang tumanggap sa kanya sa paniniwala sa kanyang Pangalan, binigyang kakayahan nga sila na maging mga anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ang kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos. At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita nya ang kanyang kaluwalhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay para sa bugtong na Anak, kaya lipos siya ng kagandahang-loob at katotohanan. Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang aking tinutukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako’y siya na.” Mula sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat, oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Hesukristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang katotohanan. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama.
PAGNINILAY:
Ang Pasko ay laging iniuugnay sa pagbibigayan ng regalo. (O natanggap mo na ba ang hinihiling o hinahangad mong regalo sa Pasko, o naibigay mo na ba sa iyong minamahal ang regalo?) Parang di kumpleto ang Pasko kung wala tayong naibigay o natanggap na regalo. Maaaring hindi mga materyal na bagay. Kundi tingnan mamaya sa salamin ang sarili. Iyan o andyan ang tunay na regalo! Maganda tanungin: mukha na ba akong regalo? (O di kaya, mukha ba akong tumatakbo sa mga dapat regaluhan.) Sinasalamin ng regalo ang kabutihang-loob ng nagbibigay. Gifts are extensions of the giver. At kadalasan binabatay natin ang halaga ng regalo sa ballot o wrapper, sa hugis, sa bigat, atbp. Pero life is not what it seems, ika nga. Sino ang mag-aakala na ang pinakadakilang regalo o kaloob ng Diyos ay binalot ng lampin at nilagay sa sabsaban? Ano nga ba ang espesyal ngayong Pasko? Ang nagbibigay at handog na ibinibigay ay isa. Ang regalo at nagbibigay ng regalo ay isa. The gift and giver are one and the same. Ganyan ang pagbibigay ng Diyos—always the best; it cannot be anything less than himself. Mga kapanalig, nawa ngayong Pasko, huwag lamang tayong magpokus sa regalo, kundi sa nagbigay o nagbibigay ng regalo. Ang tunay na regalo ay tao, hindi mga bagay. Christmas is not simply SOMETHING we receive and give. Christmas is SOMEONE, a PERSON, PERSONS!
Fr. Angelo Paolo Asprer, SSP | Society of St Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings