Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita Disyembre 30, 2022 – Biyernes
Ikaanim na araw ng Pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang
Ebanghelyo: Mateo 2: 13-15, 19-23
Pagkaalis ng mga pantas, nagpakita kay Jose ang Angel ng Panginoon sa panaginip at sinabi: “Bumangon ka, dalhin ang sanggol at ang kanyang ina at tumakas pa-Ehipto. Manatili ka roon hanggang sa tawagin ko kayo. Hahanapin nga ni Herodes ang sanggol para patayin.” Bumangon naman si Jose, at nang gabi ring iyo'y dinala ang sanggol at ang ina nito pa-Ehipto. Doon sila nanirahan hanggang mamatay si Herodes. Sa ganito natupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: “Tinawag ko ang aking anak mula sa Ehipto.” Pagkamatay ni Herodes, nagpakita sa panaginip ang anghel ng Panginoon kay Jose at sinabi. “Bumangon ka at dalhin ang bata at ang kanyang ina at umuwi sa lupain ng Israel. Sapagkat patay na ang mga nagtangkang pumatay sa bata. Kaya bumangon si Jose. Kinuha ang bata at ang ina nito at pumunta sa Luapin ng Israel. Ngunit nang malaman ni Jose na si Arquelao ang hari ng Judea na kahalili ng kanyang amang na si Herodes, natakot siyang pumaroon. Kaya ayon sa ibinilin sa kanya sa panaginip, sa Galilea siya nag punta, nanirahan sila sa bayang tinatawag na Nazaret. Kaya natupad ang salita ng mga propeta. “Tatawaging siyang Nazoreo.”
Pagninilay:
Anong mga katangian ng banal na Mag-anak ang nais mo ring umiral sa inyong Pamilya? Nakakapagbigay ng ginhawang pagnilayan na si Maria at Jose ay nagturo sa kanilang anak na manalangin! Isa itong paglalakbay bilang isang pamilya. Nakakagaan din sa puso na sa buong maghapon sama-sama rin silang nagdadasal. Buong pamilya din silang magkakasamang pumunta sa Templo para makinig sa mga pagbasa mula sa mga Batas at mga Propeta at magkakasamang nagpasalamat sa Diyos sa kanilang pagsamba. Napakahalaga sa isang pamilya ang sama-samang paglalakbay tungo sa iisang adhikain o common goal! Sa ating sama-samang paglalakbay bilang isang pamilya, nararanasan natin ang mga hirap pero sama -sama rin nating natatamasa ang tuwa at kaginhawaan. At alam natin meron tayong daan na kinakailanagan tahakin nang sama-sama. Hindi ba’t wala ng hihigit sa tuwa nating maranasan na sa ating pagdadasal sa umaga at sa gabi ang mga magulang ay magbibigay ng tanda o blessing sa mga bata. Isang simpleng paraan nang pagbibigay ng blessing. Ipinagkakatiwala natin sila sa pag-iigat at pag gabay ng Diyos. Sa ating pagdadasal sa harap ng hapag . Nagpapasalamat sa biyayang natanggap para sa pamilya at pag-alala sa mga kapwang nangangailangan din ng biyaya. Sa bawat paglalakbay, hindi lang ito natatapos kapag narating na natin ang ating destinasyon kundi sa ating pagbabalik tanaw. Iniisip natin ang mga aral na ating natutunan sa karanasang ito. Marahil sa pagpapatawad sa isa’t-isa, na nagbibigay sa atin ng pagkakataong lumago sa ating pagkatao at isang pamilya. Nagkakaroon tayo ng mas malalim at makahulugan na paglalakbay dahil sa pagbibigayan ng pangunawa, pagpapatawad at suporta kung anuman ang pagkukulang at pagkakamali. Makabuluhan ang paalala ng ating Santo Papa, Pope Francis sa kanyang mensahe sa mga Pamilya nung “Year of Mercy” na “Huwag sana tayong mawalan ng tiwala sa ating pamilya. Napakaganda kung lagi tayong maging bukas sa isa’t-isa. Kung merong pagmamahal, merong pag-unawa merong pagpapatawad." Nawa’y maging lakas natin ang halimbawa ng Holy Family, nina Jesus, Maria at Jose. Happy Feast of the Holy Family. God Bless You, A Blessed Christmas and A Blissful year 2023! AMEN
SR. CLEMENCE MALLETE, Fsp l Daughters of Saint Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings