PAULINES

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 7, 2021 | MARTES


Listen Later

MABUTING BALITA | DISYEMBRE 7, 2021

Martes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento



EBANGHELYO: Mt. 18: 12-14

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ano sa palagay ninyo? Kung may sandaang tupa ang isang tao at naligaw ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan sa kaburulan ang siyamnapu’t siyam para hanapin ang naliligaw? At sinasabi ko sa inyo: Kapag nakita niya ito, mas matutuwa pa siya rito kaysa siyamnapu’t siyam na hindi naligaw. Gayundin naman, ayaw ng inyong Amang nasa Langit ang mawala ang isa man sa maliliit na ito.”

PAGNINILAY:

Narinig natin sa Mabuting Balita ang talinghaga ng paghahanap sa isang nawawala at pag-iwan sa siyamnapu’t siyam para hanapin ang isang nawawala. Parang mahirap isipin bakit iiwan ang ninety nine (99) para sa isa? Kung sa negosyo pa, madaling iwan ang isa kasi mas malaki ang kita sa ninety nine (99). Parang hindi logical, parang hindi tama. Marahil sa ating isip, sayang naman ang siyamnapu’t siyam kung dahil lamang sa isa ay iiwan natin. Pero sa puso ng Diyos ang isa ay napakahalaga. Dahil ang isa na tinutukoy sa Mabuting Balita ay ang bawat isa sa atin. Ang bawat isa sa atin na patuloy na nawawala sa landas ng buhay dahil sa ating takot, galit, mga alalahanin at marami pang iba. Madalas tayo ay nawawala sa piling ng Diyos dahil sa ating katigasan ng ulo, ang pagpupumilit na maging independent sa Panginoon. Peropatuloy nya tayong hinahanap at inaanyayahang bumalik sa kanya. Ang pagmamahal ng Diyos ay naayon sa pangangailangan ng bawat isa sa atin. Naalala ko ang aking Inang noong nabubuhay pa sya. Tinatanong ko sya bakit parang paborito nya ang isa kong kuya. Pag nanghingi sa kanya ay lagi nya itong binibigyan. Ang sagot nya sa akin, “ang pagmamahal ng ina ay naayon sa pangangailangan ng minamahal.” Tunay nga naman na bibigyan nya ang kuya ko na iyon kasi mas higit itong nangangailangan.  Hindi dahil hindi mahalaga ang siyamnapu’t siyam na hindi nawawala kundi dahil ayaw ng Diyos na may mapawalay sa kanya. Ayaw ng Diyos na mapalayo tayo sa kanya. Mga kapanalig, sa ating pang araw-araw na buhay, paano natin pinahahalagahan ang mga taong nakikita nating nawawala o nagwawala? Marahil ngayong panahon ng pandemic, marami ang nawawalan ng pag-asa dahil sa kawalan ng trabaho, at patuloy na hirap sa buhay, nawa kagaya ng pagpapahalaga sa atin ng Panginoon, ganun din natin pahalagahan ang isa’t isa, higit sa lahat ang mga taong malalapit sa atin, ang ating pamilya, mga kaibigan, ka trabaho at ang mga taong alam nating higit na nangangailangan.

- Ms. Daisy Santos, IOLA | Institute of our Lady of Annunciation



...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings