PAULINES

MABUTING BALITA | Disyembre 8, 2020


Listen Later

MABUTING BALITA |Disyembre 8, 2020 - Martes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento

Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Birheng Maria

EBANGHELYO: Lc 1:26-38

Sa ikaanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambayanan ni David; at Maria naman ang pangalan ng Birhen. Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya sumasaiyo ang Panginoon.” Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito. At sinabi ng Anghel sa kanya: “Huwag kang matakot , Maria, dahil may magandang niloob ang Diyos para sa iyo. At ngayo'y maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus . Magiging dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailaman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.” “Paanong mangyayari ito gayong hindi ako ginagalaw ng lalaki?” “Papanaog sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. At nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at nasa ikaanim na buwan na siyang itinuturing na baog. Wala ngang imposible sa Diyos.” “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel

PAGNINILAY:

Excited ka pa bang mag-Christmas? Ang kapistahan na ipinagdiriwang natin ngayon, ang Solemnity of the Immaculate Conception, ay isang paghahanda ng Diyos sa darating na kapaskuhan­––ang birthday ni Jesus. Ipinahahayag ng doktrinang ito na 100% na walang bahid ng kasalanan si Mary, simula pa noong panahon na siya’y nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, na si Sta. Ana. Isa itong pagkilala sa natatanging biyayang iginawad ng Diyos kay Mary bilang paghahanda sa kanyang pambihirang misyon sa kasaysayan ng ating kaligtasan – ang maging ina ni Jesus, ang pinakamamahal na anak ng Diyos.// Maaari bang mangyari ito? Oo naman. Sa Mabuting Balita, sinabi mismo ni Angel Gabriel kay Mary, “Walang imposible sa Diyos.” Gagawin ng Diyos ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Kaya naman pinaniwalaan at pinagkatiwalaan ang mga salitang ito ng ating Mahal na Ina.// Nawa’y maging mapalad tayo katulad ni Mama Mary. Mapalad si Mary dahil sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Siya’y nakikinig sa salita ng Diyos at isinasabuhay ang mga ito. Ang Salita ng Diyos ang nagbigay lakas kay Mary na gawin ang lahat ng kanyang makakaya at nagsilbing inspirasyon ito upang ang isang imposibleng misyon—na maging ina ng Diyos—naging isang posibleng responsibilidad.// Mga kapanalig, sa panahon ngayon na nakararanas tayo ng pandemya, nawa lalo tayong magtiwala sa Diyos. Mahirap man ang buhay, buong-puso pa rin tayong maniwala sa Pasko. Tuloy na tuloy ang Pasko sapagkat higit na malakas ang pag-ibig ng Diyos laban sa anumang uri ng virus.// - Fr. JK Malificiar, SSP

PANALANGIN:

Panginoon, katulad ng aming Mahal na Inang si Maria, itulot mong lalo pa kaming magtiwala sa iyong mga Salita at laging handa sa pagtupad ng iyong kalooban. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings