PAULINES

Mabuting Balita | Enero 11, 2022 – Martes


Listen Later

Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa

Mabuting Balita | Enero 11, 2022 – Martes sa Unang Linggo ng Taon


EBANGHELYO: MARCOS 1:21-28

At pumunta sila sa Capernaum. At nagturo siya sa sinagoga sa Araw ng Pahinga. Nagulat ang mga tao sa kanyang pangaral sapagkat nangaral siya nang may kapangyarihan, hindi gaya ng mga guro ng Batas. May isang tao sa sinagoga na inaalihan ng isang maruming espiritu. Sumigaw ito: “Ano ang kailangan mo sa akin, Hesus na taga Nazaret? Para ipahamak kami kaya ka dumating. Alam ko kung sino ka: Ang Banal ng Diyos.” “Tumahimik ka’t lumayas sa kanya.” Matinding niyugyog ng espiritu ang taong iyon at pagkasigaw nang malakas ay saka lumabas. Talagang takang-taka ang lahat at nag-usap-usap sila: “Ano ito? Isang bagong pagtuturo na may kapangyarihan! Inuutusan niya kahit maruruming espiritu at sinusunod nila siya.” At lumaganap ang katanyagan niya saan man sa buong lupain ng Galilea.

PAGNINILAY:

Namangha ang lahat sa nangyari. Na-threaten ang diyablo sa presensya ni Hesus kaya naman sumigaw siya na kilala niya si Hesus. Bravo! Kilala nga niya pero hanggang salita lang. Kaya naman sa isang utos lang ni Hesus na tumahimik siya, nagkikisay ang lalaki, dahil nag-aapurang lumabas ang diyablo mula sa kanyang katawan. Yan ang powerng Salita ni Hesus. Bakit? Sinusuportahan ang karunungang ito ni John, the Evangelist. Ayon sa kanyang ebanghelyo, sa simula kasama ng Diyos ang Salita, at ang Salita ay Diyos. Ginawa ng Diyos ang lahat ng bagay, gamit ang Salita. Sa salita galing ang buhay, at ang buhay ang nagbibigay ng liwanag sa mga tao. At dahil nga ang Salita ay buhay at liwanag, hindi ito natatalo ng dilim. Kaya si kadilimang diyablo, akala niya nenerbyusin si Hesus kapag, ini-reveal niya agad-agad something about Him. Pero kalma lang si Hesus. Hawak Niya kung sino Siya. Bilang buhay na Salita, walang ka-effort-effortna binigkas ang: “Tumahimik ka!” Pwede natin itong palalimin sa katotohanan na kung tayo ay mag-rely lang sa pagbigkas ng salita, dahil may piggy bankka ng kaalaman, delikado naman kung kulang sa pang-unawa ng tamang kahulugan.  O kaya, super eloquent ka at memorizemo ang mga bokabularyo, pero puro boka at bola lang pala ang iyong payo. O kaya, ngayon pa man, nagki-create ka ng post na ikaw lang pala ang naniniwala, dahil ilusyon lang pala ang maraming mong nagawa. O kaya, ang tatamis ng iyong salita, ang kikinang ng iyong gamit na wika, pero pang-prank lang pala dahil sa huli ang buong bayan ang kawawa.  Manatili. Pwede pa naman nating i-ayos ang paggamit ng ating salita. Ang Diyos ang nagbigay nito. Sagrado. Magsalita tayo sa tamang paraan at may tamang kahulugan.

- Sr. Gemmaria de la Cruz, FSP | Daughters of St. Paul



...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings