Sign up to save your podcasts
Or

Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa
Mabuting Balita | Enero 13, 2022 – Huwebes sa Unang Linggo ng Taon
EBANGHELYO: MARCOS 1:40-45
Lumapit sa kanya ang isang may ketong at nakiusap sa kanya: “Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” “Gusto ko, luminis ka!” Nang oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya. Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Hesus sa kanyang pag-alis, sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng patunay.” Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok sa bayan si Hesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.
PAGNINILAY:
Ang narinig nating Mabuting Balita ngayon ay ang bersyon ni San Marcos sa Mabuting Balitang narinig natin noong nakaraang Huwebes na mula naman kay San Lucas. Kaya nga ang tawag sa mga Ebanghelyo nina San Mateo, San Lucas at San Marcos ay Synoptic Gospels dahil may mga kwentong magkakatulad gaya ng narinig natin ngayon. Nagkakaroon lang ng konting pagkakaiba sa mga detalye ng kwento upang higit na maging angkop sa kultura at sitwasyon ng kanilang community. Noong nakaraang Huwebes, itinuon natin ang ating pagninilay kay Hesus. Ngayon naman, bigyang pansin natin ang ketongin na lumapit kay Hesus sa v.40. Labag ito sa batas ng mga Hudyo dahil magiging impure o marumi ang taong lalapitan ng isang ketongin. Kaya nga kailangan nyang sumigaw upang makaiwas ang sinumang makakasalubong niya sa daan, pero hindi ito ginawa ng ketongin. Isang desperadong hakbang ang kanyang ginawa upang gumaling sa karamdaman. Ganito rin marahil ang naramdaman ng mga infected ng covid-19 virus. Gagawin ang lahat gumaling lamang sa karamdaman. Susubukan kahit ang gamot na hindi pa naman proven and tested gumaling lamang sa karamdaman. Lahat ng dasal at pwedeng mahingan ng dasal ay lalapitan upang gumaling. Mga kapanalig, matuto sana tayo sa ketonging ito kapag nananalangin tayo. Ibigay natin sa Diyos ang karapatang magpasya. Hindi naging demanding ang ketongin. In fact, ang sabi lamang nya, “kung nais mo, gagaling ako.” Ito ang dasal na hindi matatanggihan ng Diyos. Dasal na may kapakumbabaan. Dasal na bukas, sa kung ano ang kalooban ng Diyos.
- Sr. Lou Ranara, FSP | Daughters of St. Paul
PANALANGIN:
Panginoon, marami po kaming kahilingan sa inyo. Marami ang naghahangad gumaling, ang naghahanap ng trabaho, naghahanap ng hustisya at naghahanap ng pagkalinga ng kapwa. Gawin mo po kaming instrumento ng iyong paglingap at pagmamahal sa aming kapwa. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings