PAULINES

Mabuting Balita | Enero 14, 2022 – Biyernes


Listen Later

Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa

Mabuting Balita | Enero 14, 2022 – Biyernes sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon


EBANGHELYO: MARCOS 2:1-12

Pumasok si Hesus sa Capernaum. Nang mabalitang nasa bahay siya, marami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pituan. At ipinahayag niya ang Salita. May mga tao namang dumating at dinala sa kanya ang isang paralitiko, na buhat-buhat ng apat.  At nang hindi sila makalapit kay Hesus dahil sa

dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Hesus at pagkabukas nila nito, inihugos nila ang paralitiko na nasa higaan. Nang makita ni Hesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba’t ang Diyos lamang?” At agad na nalaman ni Hesus sa kanyang espiritu na ganoon ang kanilang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito? Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad’? Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapangyarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasalanan.” “Iniuutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin ang iyong higaan at umuwi.” At bumangon nga ang paralitiko, agad na kinuha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lubhang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma’y hindi pa kami nakakakita ng ganito.”

PAGNINILAY:

Kahanga-hanga ang ginawa ng mga kaibigan ng paralitiko sa narinig nating Mabuting Balita. Hindi nila mailapit kay Hesus ang kaibigan nilang may sakit dahil sa dami ng tao, kaya nag isip sila ng malikhaing paraan para mailapit ang kaibigan kay Hesus. Malalim ang kanilang pananampalataya at dakila ang kanilang pagmamahal sa kaibigang paralitiko. Kaya namangha si Hesus sa laki ng kanilang pananampalataya. Mga kapanalig, kung tayo ang kaibigan ng paralitikong ito, magagawa kaya natin ng kusang loob itong ginawa nila? Magiging determinado kaya tayong malampasan ang mga balakid na nakaharang sa ating harapan upang makalapit kay Hesus? May tapang kaya tayong harapin at tanggapin ang sasabihin ng mga tao? Ang ginawa ng mga kaibigang ito ng paralitiko ay isang hamon sa bawat isa sa atin “to go an extra mile” sa ating pagtulong sa kapwa. Huwag sana tayong mag dalawang-isip mag reach-outsa sinumang nangangailangan ng ating tulong. Nawa’y makita natin ang mukha ni Kristo sa bawat kapwa na dumudulog sa atin. Hilingin natin sa Diyos na maging bukas ang ating puso at isipan na makilala siya sa lahat ng pangyayari sa ating buhay. Amen.

- Sr. Pinky Barrientos, FSP | Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings