PAULINES

Mabuting Balita | Enero 14, 2023 – Sabado


Listen Later

Mabuting Balita | Enero 14, 2023  

Sabado sa Unang Linggo sa Karaniwang Panahon



Ebanghelyo: Marcos 2:13-17

Pumunta si Jesus sa tabing-dagat at lumapit din sa kanya ang lahat. Kaya nagturo siya sa kanila. Nakita naman niya sa paglalakad si Levi na anak ni Alfeo, na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo ito at sinundan siya. Habang nanunuluyan naman si Jesus sa bahay niya, maraming tagasingil ng buwis at iba pang makasalanan ang nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. Talagang ngang marami sila. Ngunit may mga guro ng Batas namang sumusunod sa kanya. Nang makita nila na nasa hapag siya kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis, sinabi nila sa kanyang alagad: “Ano! Kumakain siyang kasama ng mga makasalanan at maniningil ng buwis?” Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Hindi ang malulusog ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit! Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga makasalanan.”

Pagninilay:

Ang ating pagbasa ngayon ay nagpapakita ng kagandahang loob ni Hesus. Tuwiran Niyang sinabi na pumarito Siya hindi para sa mga mabubuti kundi sa mga makasalanan. Binibigyan ba ni Hesus ng pribilehiyo ang mga makasalanan? Sa biglang isip ay posible at maaari. Sapagkat si Hesus mismo ang nagsabi na pumarito Siya hindi para sa mabubuti kundi para sa mga makasalanan. Kung nasusubaybayan natin ang kwento at buhay ni Hesus ay makikita natin kung paanong binigyan ni Hesus ng kahalagahan ng pakikisalamuha sa mga tao. Una, ang pagdalaw ni Hesus sa magkakapatid na Lazaro, Marta at Maria, kanyang mga kaibigan. Ikalawa, sa kanyang mga alagad. Ikatlo, sa mga publikano at mga makasalanan. Pumarito si Hesus at nakipamuhay para sa lahat. Meron nga lamang ibayong pagpapahalaga sa mga publikano at makasalanan. Kung sa ating pamilya maaaring karanasan natin ang magkaroon ng tinatawag na pasaway, barumbado “Black Sheep“ kung baga. Ano ang trato natin sa kanila? Pabayaan na lang? Isumpa? Palayasin? O ituring natin ang karanasang ito bilang paanyaya ng Diyos na maipadama natin ang Kanyang pag-ibig. Baka sakaling sa pamamagitan ng mabuting pakikipag-usap sa kanila, pagpapayo, pagpapadama ng ating pagmamahal at maging daan ng kanilang pagbabago. Mga kapanalig, hayaan nating maging daluyan tayo ng pag-ibig ng Diyos sa ating pamilya, sa ating kapwa at kapit-sambahayan. Amen.

- Sr. Edith Ledda, fsp | Daughters of St. Paul

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings