Sign up to save your podcasts
Or

Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa
Mabuting Balita | Enero 16, 2022 – Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: LUCAS 2:41-52
Pumupunta taun-taon sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus para sa Piyesta ng Paskuwa. Kayat nang maglabindalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang. Subalit nang umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng piyesta, naiwan sa Jerusalem ang batang si Hesus nang hindi namamalayan ng kanyang mga magulang. Sa pag-aakalang kasama siya ng iba pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. Nang hindi nila siya matagpuan, bumalik sila sa Jerusalem sa paghahanap sa kanya. At sa ikatlong araw, natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanyang mga magulang pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka namin.” Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” Pero hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila. Kaya bumaba siyang kasama nila pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso. At umunlad si Hesus sa karunungan at edad at kagandahang-loob sa paningin ng Diyos at ng mga tao.
PAGNINILAY:
Dahil Diyos at tao si Hesus, naging bata rin siya at nakilala ang kagandahan at kalupitan ng mundo sa pamamagitan ng kanyang mga magulang at mga taong nakapaligid sa kanya. Natutunan niya ang magmalasakit, magsikap, magmahal, at higit sa lahat ang maging tapat sa Diyos. Kilala natin kung anong klaseng mga magulang si Maria at Jose—narinig natin sa mga Pagbasa noong paghahanda natin sa Pasko kung gaano sila katapat at bukas-loob sa kalooban ng Diyos. Lumaki ang batang Hesus ng may karunungan. At ang karunungang ito ang siyang nagbukas sa mata ni Hesus sa kanyang bokasyon bilang ating Tagapagligtas. Mga kapanalig, bawat isa sa atin ay may bokasyong dapat nating matanto, at matutunang tupdin ng buong tapat at puso. Hindi dapat natin iisang-tabi ang kahalagahan ng mga taong nakapaligid sa atin, gayun din ang mga masasaya at malulungkot nating karanasan sa buhay. Bakit? Dahil ang lahat ng yan ang bumubuo sa ating pagkatao. Dapat tayong manitiling may pusong bata—bukas loob na natututo araw-araw. Hindi tayo aasenso kung pakiramdam natin ay alam na natin ang lahat at hindi na natin kailangan ang tulong ng iba. Tandaan natin na ang buhay ay isang paglalakbay, at bawat hakbang ay panibagong aral sa buhay.
- Fr. Oliver Par, SSP | Society of St. Paul
PANALANGIN:
Ikaw ang aming gabay, Ama naming mapagkalinga. Tulutan mo kaming matutunan ang kahalagahan ng bawat isa at maging bukas ang aming puso sa bawat daan na aming tatahakin. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings