Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Enero 17, 2023
Martes sa Ikalawang Linggo ng Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 2:23-28
Naglakad si Jesus sa mga taniman ng trigo minsang Araw ng Pahinga. At habang naglalakad ang kanyang mga alagad, sinimulan nilang alisin sa uhay ang mga butil, at kinain iyon. At sinabi kay Jesus ng mga Pariseo: “Tingnan mo ang ginagawa nila sa Araw ng Pahinga. Hindi ‘yon ipinahihintulot.” “Hindi n’yo ba nabasa ni minsan ang ginagawa ni David nang nangangailangan siya at nagugutom pati na ang kanyang mga kasama? Pumasok siya sa bahay ng Diyos nang si Abiatar ang Punong-pari, at kinain ang tinapay na inihain para sa Diyos gayong bawal ito kaninuman liban sa mga pari, at binigyan pa niya pati na ang kanyang mga kasama.” “Dahil sa tao kaya ginawa ang Araw ng Pahinga ngunit hindi ang tao dahil sa Araw ng Pahinga. Kung gayon, ang Anak ng Tao ang Panginoon kahit na ng Araw ng Pahinga.”
Pagninilay:
Sa pag-iral natin sa lipunan at sa mga institusyong ating kinabibilangan, mahalaga ang mga batas o tuntunin, dahil ito ang nagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan ng ating buhay. Isipin niyo nalamang kung tatanggalin ang bawat stoplight sa mga intersections? Pwedeng tumawid kahit saan at kahit kalian? Pwedeng magtayo ng bahay basta may bakanteng lote? Mahirap at tiyak na magulo.
Sa ating Ebanghelyo, nagkadiskusyon si Hesus at mga Pariseo tungkol sa batas ng Sabbatho Araw ng Pamamahinga. Para kasi sa mga hudyo Banal ang ika-7 araw ng sanlinggo dahil sa araw na iyon namahinga ang Diyos noong likhain niya ang lahat. Kaya naman mahalaga din ang pamamahinga. Ngunit kakaiba ang kanilang konsepto ng pahinga, na ultimo pagpitas ng trigong pangkain ay BAWAL! Batas o punan ang kagutuman? Aba eh, mas mahalaga ang batas!
Sinasabi pong “Justice is just a minimum of love. Love is the maximum of justice.”Kaya nga po ano ang nais ituro sa atin ni Hesus? Mas pinahahalagahan ng Diyos ang kapakanan at kabutihan ng tao kaysa sa mga batas na nasusulat. Hindi ibig sabihin nito na ibasura ang batas, ngunit mas i-consider sa bawat pagkakataon kung ano ang mas kailangan, para sa mas ikakaayos, katiwasayan, at kabutihan ng tao.
Sinasabi sa atin ni Hesus: “Mas makikilala kayo ng mundo na tunay kong alagad—sa inyong pagmamahal sa bawat isa.” Hindi masama ang batas, pero tandaan natin na mas mahalaga ang pusong marunong umintindi at magmahal.
– Cl. Vinz Aurellano, SSP | Society of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings