Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Enero 21, 2023
Sabado sa Ikalawang Linggo ng Taon
Ebanghelyo: Marcos 3:20-21
Pagkauwi ni Jesus kasama ang kanyang mga alagad, nagsidating ang mga tao kayat hindi na sila nakakain. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kamag-anak, lumabas sila para hulihin siya. Sinasabi nga nilang “Nababaliw siya.”
Pagninilay:
Nasisiraan siya ng bait. Mapapansin na kahit ang ilan sa mga kamag-anak ni Hesus ay hindi nakakaunawa sa kanyang misyon. Itinuturo sa atin ni Hesus ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod-pagbibigay ng sarili ng buong -buo. Ang katapatan ni Hesus at ang kanyang pagbibigay ng sarili na walang kondisyon. Binibigyan tayo ng halimbawa ng tunay na paglilingkod o pagbibigay ng presensiya. Makikita natin ang impact o dating ni Hesus dahil hindi lang siya nangaral, gumawa ng milagro kundi higit sa lahat damang-damang ang kanyang concern o tunay na malasakit. Mga kapanalig, ang tunay na maghahatd ng tunay na kagalingan at pagbabago ay ang maramdaman ang ating tunay a pagbibigay na walang kondisyon. Bago pa sa ating ala-ala ang mga kuwento ng pagsasakripisyo ng marami sa ating mga front-liners nuong kasagsagan ng pandemya. Mga doctors, nurses mga nasa medical fields na nag-alay ng sarili at iba ay nagbuwis ng buhay dahil sa kanilang commitment sa pagsiserbisyo ng uong katapatan. Ito nga ay konkretong pagbibigay ng saksi sa kanilang pagpapahalaga sa misyon na iniatas sa kanila ng Diyos. Ang ating ginugunitang Santa ngayong araw, si St Agnes ay nagpatotoo rin sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Hindi niya alintana na ang kanyang pagpapatoo sa kanyang pananamalataya ay katumbas buhay niya. Nawa’y ang salita ng Diyos ang patuloy na magiging lakas natin at sandigan sa ating pagtugon sa ating pang araw-araw na pagkilos at pagbibigay ng ating presensiya sa ating kapwa, Amen. Lord, may my presence bring ang consolation everywhere. AMEN
Sr. Justin Vargas, fsp l Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings