Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Enero 22, 2022
Sabado sa Ikalawang Linggo Ikalawang sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MARCOS 3:20-21
Pagkauwi ni Hesus kasama ang kanyang mga alagad, nagsidating ang mga tao kayat hindi na sila nakakain. Nang mabalitaan ito ng kanyang mga kamag-anak, lumabas sila para hulihin siya. Sinasabi nga nilang “Nababaliw siya.”
PAGNINILAY:
Nakakabaliw talaga ang umibig. At kayang hamakin ng pag-ibig ang lahat, masunod lamang ang bugso nito. Kung gaano tayo kabaliw sa ating mga iniibig, ganito rin sana ang bugso ng ating damdamin sa tuwing nakikita natin ang pagdurusa ng ibang tao. Nasasaktan din sana tayo sa tuwing maraming mga tao ang hindi nakakakuha ng hustisya. Nadudurog din sana ang ating mga puso sa bawat pamilyang pinaghihiwalay ng kahirapan. Umiiyak din sana tayo sa mga kalupitan ng tao laban sa kapwa nila tao. Nakokonsensiya din sana tayo sa tuwing gumagawa tayo ng mabibigat na kasalanan. Sana inuudyok tayo ng pag-ibig sa ating puso sa tuwing hindi tayo nagpapakatao. Kasi kung hindi ganito ang nararamdaman natin, baka manhid na tayo at wala ng pakialam sa iba. At kung ganun, hindi na tayo nagiging tunay na tao. Mga kapanalig, ang sentro ng ating pagiging tao ay ang katotohanang tayo ay kawangis ng Diyos. Ibig sabihin, nasa kaibuturan ng ating puso ang presensiya ng Diyos. Ibig sabihin, kaya natin ang maging kaugali ang Diyos. Ibig sabihin din, natural lamang dapat sa atin ang umibig ng umibig, para sa Diyos at sa kapwa. Oo, isang kabaliwan para sa mundong ito ang pagiging martir sa pag-ibig, kahit na nahihirapan ka. Oo, isang kabaliwan para sa mundong ito ang pagsasakripisyo para sa iba. At oo, isa ring kabaliwaan para sa mundong ito ang magpatawad nang magpatawad, kahit ikaw na ang agrabyado. Pero sa mata ng Diyos, yun ang tunay na tao. Dahil alam ng Diyos na doon tayo yayabong bilang tao, at yun din ang paraan upang mas makilala natin na tayo nga ay may kakayanang maging kaugali ang Diyos. Ang pag-ibig, lubus-lubusang pagbibigay ng sarili, pagpapatawad, awa at malasakit ay hindi mga bagay na labas sa ating pagkatao. Ang mga ito ay nasa kaibuturan ng ating pagkatao.
- Fr. Oliver Par, SSP | Society of St. Paul
Manalangin tayo. Ama, turuan mo akong magkaroon ng puso na gaya ng iyong anak na si Hesus. Amen.
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings