PAULINES

Mabuting Balita | Enero 24, 2023 –Martes


Listen Later

Mabuting Balita | Enero 24, 2023 

Martes sa Ikatlong Linggo ng Taon



Ebanghelyo: Mark 3:31-35

Dumating ang ina ni Hesus at ang kanyang mga kapatid; nakatayo sila sa labas at ipinatawag siya. Nakaupo si Hesus at napapaligiran ng mga tao nang may magsabi sa kanya: “Nasa labas ang iyong ina at mga kapatid; hinahanap ka nila.” “Sino ang aking ina at mga kapatid?” “Narito ang aking ina at mga kapatid. Kapatid kong lalaki at kapatid na babae at ina rin ang sumusunod sa kalooban ng Diyos.”

Pagninilay:

Malimit kapag tayo ay umuwi at nagkakatipon para sa reunion, mababanggit natin ang katagang: “There’s no place like Home.” Kakaiba kasi ang saya kapag kasama mo ang mahal sa buhay lalo na ang buong pamilya. Sa ating Ebanghelyo ngayon nabanggit ni Hesus ang tungkol sa pamilya ng sabihin niyang,“ Sino ang aking ina at mga kapatid? ” at idinugtong pa niya, “ Ang sinumang tumupad sa kalooban ng Diyos ay siyang aking mga kapatid at ina.” Dalawang bagay ang nais ko munang linawin sa tagpong ito.

Una: Ang salitang KAPATID, sa wikang Hebreo at Aramaic ay walang tiyak na salita para sa salitang COUSINS. Kaya nga sa Aramaic ang salitang brothers ay nangangahulugan ring RELATIVES. Sa salitang Griyego ito ay nangangahulugang brothers.

Pangalawa: Ang sinabi ni Hesus na “Ang sinumang tumutupad ng kalooban ng Diyos ay siya kong ina at mga kapatid.” Hindi po itinatakwil ni Hesus ang kanyang pamilya o binabalewala ang kanyang ina at mga kamag-anak. Hindi nililimitahan ni Hesus ang kanyang pamilya sa BLOOD RELATIONSHIP lang o sa mga kadugo bagkus nais niyang maging malawak pa upang tayo rin ay maging kapamilya Niya. Paano? Sinabi na niya… kapag tinupad natin ang kalooban ng Diyos…. tayo ay maituturing na kapamilya niya sa pamamagitan ng PAKIKINIG AT PAGSASABUHAY NG SALITA NG DIYOS. Ako po bilang Pari, lumawak ang aking PAMILYA, ang SIMBAHAN. Napakasaya na mapasama sa malaking pamilya. Ang pagiging kapatid ni Hesus ay hindi lang prebilehiyo bagkus isang responsibilidad na isabuhay ang salita ng Diyos. Maging tunay na kapatid din sa iba. Maging asal Hesus din sa kapuwa. We belong to the Family of God if we hear His Words and Act upon it. Wika nga, “HINDI LANG SA NGAWA BAGKUS IPAKITA SA MABUTING GAWA.” “THERE IS NO PLACE LIKE HOME” “MASAYA KAPAG KASAMA ANG PAMILYA”. “MASAYA ANG MAGING KAPAMILYA NG DIYOS!”

- Fr. Francis Fournal | Diocese of Romblon

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings