Sign up to save your podcasts
Or

Bagong Umaga | Bagong Pag-Asa
Mabuting Balita | Enero 25, 2022 – Martes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
EBANGHELYO: MARCOS 16:15-18
Sinabi ni Hesus sa labing-isa: “Pumunta kayo sa buong daigdig at ipahayag ang ebanghelyo sa buong sangkinapal. Maliligtas ang maniniwala at magpapabinyag; hahatulan naman ang di maniniwala. At ito ang mga tandang sasama sa mga maniniwala: magpapalayas sila ng mga demonyo sa aking Pangalan, magsasalita sila sa iba pang mga wika, hahawakan nila ang mga ahas, at hindi sila maaano kung iinom man sila ng may lason. Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon.
PAGNINILAY:
Ipinagdiriwang po natin ngayon ang Pagbabalik-loob ni San Pablo, Apostol or the Conversion of St. Paul. Bakit nga ba ipinadiriwang ito ng ating Simbahan? Nais ko pong magbigay ng tatlong pagninilay ukol dito. Una, ang pagbabalik-loob ni San Pablo ay hindi pagbabagong-buhay mula sa kasamaan patungo sa kabutihan. Ang Conversion of St. Paul ay pagpapanibago ng kaisipan mula sa inaakala niyang katotohanan, patungo sa katotohanang ipinahayag sa kanya ni Kristong Muling Nabuhay. Isang matapat na Hudyo si San Pablo, isinasabuhay at tinutupad niya ang mga batas ng mga Hudyo kaya nais niyang hulihin ang mga naniniwala kay Hesus sa pag-aakalang naliligaw sila ng landas. Pero nang magpakita sa kanya si Hesus sa daan papuntang Damascus, namulat siya sa katotohanan at niyakap ang pananampalataya kay Hesus na muling nabuhay. Ganito rin tayo minsan mga kapanalig, di ba? Marami ang nagpapahayag na kani-kanyang katotohanan, gaya ng mga kanditato sa eleksyon. Nakakalito na nga minsan, kaya sana buksan natin ang ating isip sa tunay na katotohanang nakabase sa facts hindi sa opinion sa social media o tiktok. Pangalawa, nang masumpungan ni San Pablo si Hesus, hindi na bumalik sa dati ang kanyang pamumuhay. Buong tatag nyang pinanindigan at ipinahayag sa lahat ng sulok ng daigdig ang mabuting Balita ni Hesus na muling nabuhay. Mga kapanalig, hingin natin sa Banal na Espiritu ang biyaya ng katapatan at katatagan ng loob na maisakatuparan ang mga resolution na ating ginagawa tuwing magkakaroon tayo ng meaningful encounters with the Lord. Nawa’y hind maging ningas-kogon ang ating mga pagpapasya na sumunod at mabuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Pangatlo, Huwag nating ikahiyang ipahayag sa salita at gawa ang ating pananampalataya. Lalo na ngayong panahon ng pandemya, marami pa ang nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga upang gumaling at makabangon mula sa krisis na dulot ng pandemya. Let us spread love and prayers dahil ito ang hihilom sa mga sugat na dulot ng pandemya at kawalan ng pag-asa.
- Sr. Lou Ranara, FSP | Daughters of St. Paul
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings