Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Enero 26, 2023
Huwebes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 4: 21-25
Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Dumarating ba ang ilaw para takpan ng salop o para ilagay sa ilalim ng higaan? Hindi! Inilalagay ito sa patungan! Walang nalilihim na di nabubunyag at walang tinatakpan na di malalantad. Makinig ang mga may tainga! Isip-isipin n’yo ang inyong naririnig. Sa sukatang ginamit ninyo, susukatin ang para sa inyo at higit pa ang ibibigay sa inyo. Bibigyan pa nga ang meron na ngunit kung wala siya, aagawin sa kanya kahit na ang nasa kanya.”
Pagninilay:
Sinabi ni San Pablo sa simbahan ng Corinto; “Sawi ako kung ‘di ko ipangangaral ang ebanghelyo.” (1Cor. 9:16b). Ang pahayag ni San Pablo ay ayon sa sinabi ni Hesus sa ating ebanghelyo na ang liwanag ng salita ng Diyos ay dapat maipahayag. Mariin na ang salita ng Diyos ay hindi dapat ikimkim o itago o maipapahayag lamang kung may kapalit ito gaya ng isang may propesyon. Natural lamang na may kapalit na sahod o allowance o bayad ang ating pagtatrabaho. Subalit may mga bagay sa buhay-paglilingkod na hindi dapat sa bayad o pera lamang ang syang unang dahilan nito. Gaya na lamang sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos. Una sa lahat, ang pagpapahayag ay isang pribilehiyo. Ano ang ibig sabihin nito? Ang pagpapahayag ay isang pribilehiyong makapaglingkod at makatulong sa kapwa natin upang maiabot ang liwanag ni Hesus. Sinabi ni Hesus sa banal na ebanghelyo ngayon, “ang liwanag ay inilalagay sa patungan at hindi para takpan o ilagay sa ilalim ng higaan.” Ang liwanag ay isang biyaya ng Diyos upang sa paglakbay natin, maliwanagan ang ating pananampalataya. At kahit pa dadaan tayo sa madilim na lambak, alam natin na nariyan ang liwanag ng Diyos, ang tanglaw ng Salita na gumagabay sa atin tungo sa pagkamit ng buhay na walang hanggan. Pangalawa, ang pagpapahayag sa liwanag ay walang dapat na hinihintay ng anumang kapalit. Bakit? Sapagkat napapaloob na, o kalakip sa ating paglilingkod ang isang pagpapala ng Diyos. Sinasabi sa libro ni propeta Isaiah 52:7, “How beautiful are the feet of those who bring good news”. (Ang ganda sa mga bundok ang pagdating ng tagapagbalita…) isang napakadakilang bagay ang ibahagi ito sa iba. Samakatuwid, ang tagapagbalita ay punong-puno ng sigasig, punong-puno ng pasasalamat habang ipinapahayag nito ang Salita ng Diyos, ang liwanag na dala ni Hesus sa sanlibutan. Ang tagumpay sa pagbibigay ng liwanag ng Salita ng Diyos ay nakadepende rin sa kagustuhan nating maipahayag ito bilang isang pribilehiyo at walang inaasahang kapalit ng kahit anong bagay. Dapat nating subukan na maipadama ang liwanag na s’yang nagpapalaya sa atin bilang mga anak ng Diyos.
- Fr. Euclid Balosbalos | Prelature of Basilan
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings