PAULINES

Mabuting Balita | Enero 28, 2022 - Biyernes


Listen Later

Mabuting Balita | Enero 28, 2022

Biyernes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon


EBANGHELYO: MARCOS 4:26-34

Sinabi ni Hesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan. Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki ng higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon sa Langit.” Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.

PAGNINILAY:

Ang Kaharian ng Diyos ay hindi isang lugar. Sa mga ipinaliwanag sa atin ni Hesus sa mga ebanghelyo, narinig natin na para itong isang buto ng mustasa na maliit pero sisibol at lalaki na isang mayabong na halaman. Bakit?  dahil ang Kaharian ng Diyos ay isang kaganapan. Ito ay unti-unting pagiging ganap ng kapayapaan, pagmamahal, katarungan sa sanlibutan, hanggang sa tuluyan nang mapuksa ang lahat ng kasamaan. At ang pagdating ni Hesus sa mundo ay katunayan na nagsimula na ito at unti-unti nang nagaganap.  Pero paano? Sa tulong ng bawat isa sa atin, sa tuwing ginagawa natin ang mga halimbawa ni Kristo dito sa mundo. Nang mapagtagumpayan ni Kristo ang kamatayan sa Krus, kinompirma niya na totoo ngang naghahari na ang Diyos sa mundo, at siya ay nasa bawat puso natin. Nasa kung paano tayo mamuhay dito sa mundo magiging ganap ang Kaharian ng Diyos.  Namumuhay ka ba nang may malasakit sa iyong kapwa? Kaya mo bang manindigan sa katotohanan laban sa kamalian at kasinungalingan? Ano ba ang pinapanigan mo ang masama o mabuti? Dahil ang Kaharian ng Diyos ay parang isang binhi na nakatanim din sa ating puso, nasa atin din ang kakayahang alagaan ito. Lalago lamang ito kung pipiliin natin ang maka-Diyos at maka-Kristiyanong desisyon sa buhay.

- Fr. Oliver Par, SSP | Society of St. Paul

PANALANGIN:

Diyos Amang naghahari sa sanlibutan, turuan mo akong mamuhay ayon sa iyong mga utos. Amen.

...more
View all episodesView all episodes
Download on the App Store

PAULINESBy Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

  • 5
  • 5
  • 5
  • 5
  • 5

5

1 ratings