Sign up to save your podcasts
Or

Mabuting Balita | Enero 28, 2023
Sabado sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
Ebanghelyo: Marcos 4:35-41
Kinahapunan ng araw na iyon, sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Tumawid tayo sa kabilang ibayo.” Kaya iniwan nila ang mga tao at namangka silang kasama ni Jesus sa bangkang inuupuan niya. At may iba pang mga bangka na kasabay nila. At nagkaroon ng malakas na ipuipo. Hinampas ng mga alon ang bangka at halos lumubog na samantalang tulog siya sa kutson sa hulihan. Kaya ginising nila siya at sinabi: “Guro, halos mamamatay na tayo at balewala sa iyo!” Pagbangon niya, inutusan niya ang hangin at sinabi sa dagat: “Tumahimik, huwag kumibo.” Nabawasan ang hangin at nagkaroon ng ganap na kapayapaan. At sinabi niya sa kanila: “Napakatatakot ninyo! Bakit? Wala pa ba kayong paniwala?” Ngunit lalo silang nasindak at nag-usap-usap: “Sino ba ito na pati hangin at dagat ay sumusunod sa kanya?”
Pagninilay:
Ano ba ang ibig sabihin ng unos? Marahil kung ating pagmamasdan sa konteksto ng buhay maikukumpara natin ito: Una, sa isang problema kung saan tayo nahahadlangan upang mailayo tayo sa ating pagtitiwala sa Diyos. Ikalawa, pwede ring mga makamundong bagay na kung saan nalulunod tayo upang hindi natin mapansin ang kagandahan, kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos.
Kaya nga sa ating ebanghelyo sa araw ay nagpapaalala satin na lagi natin kasama ang Diyos sa bawat unos ng ating buhay. Ang tanging lang natin gagawin ay lumapit tayo sa Kanya, kagaya ng ginawa ng Kanyang mga alagad, Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig.
Ginising nila si Hesus dahil ang kanyang mga alagad ay nakaramdam ng takot dahil di nila alam ang kanilang gagawin, at dahil na rin naramdaman ni Hesus na natatakot ang kanyang mga alagad, Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa. Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?”
Kung ating makikita, tayo ay tinuturuan ni Hesus na matututo tayong lumapit sa Kanya kapag nasa gitna tayo ng ating mga malalakas na unos ng ating buhay, at kumapit sa Kanyang grasya upang sa ganoon tayo at lumago at lumakas ang ating pananampalataya, dahil nga kung tayo patuloy lang magtititwala sa ating kakayahan na niniwala po ako ito ay kulang at mabilis po tayong lalamunin ng mga malalakas na alon ng ating buhay. Pero kung ilalagay natin sa sentro ang Diyos sa ating buhay, tayo ay magiging matapang at malakas dahil kasama natin ang Diyos at naniniwalang control Niya ang lahat.
- Br. Nicholas Maria, MMHC | Marian Missionaries
By Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province5
11 ratings